Julian Felipe

Si Julian Felipe ay kilala bilang kompositor ng musika at may likha ng Pambansang Awit ng Pilipinas, ang Marcha Nacional Magdalo o Lupang Hinirang.

Ipinanganak si Julian Felipe noong ika-28 ng Enero taong 1861 sa Lungsod ng Cavite, Cavite. Isa siyang mahusay na guro ng musika at kompositor, hinirang din siya ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo bilang Direktor ng Pambansang Banda ng Unang Republika ng Pilipinas.

Kilala rin ang ilan sa mga komposisyon ni Julian Felipe na Mateti el Santisimo, Cinta y Flores Rigodo-nes, Amorita Danza, at Reina de Cavite.

Basahin: Karunungang Bayan

Si Julian ay nag-aral sa isang pampublikong paaralan sa Binondo, Maynila. Sa paaralang iyon siya tumugtog ng piyano at kalaunan ay naging organista siya sa simbahan ng San Pedro.

Nakamit niya ang karangalang diploma bilang pagkilala sa kakayahan nyia dahil sa paglikha ng mga awiting ito.

Noong ika-12 ng Hunyo taong 1898, inihayag ang Kalayaan ng Pilipinas sa balkonahe ng bahay ni Emilio Aguinaldo at iwinagayway ang watawat ng bansa kasabay ng pagtugtog ng martsang kaniyang katha.

Pansamantala namang isinatabi ni Julian ang musika nang siya ay sumanib sa kilusan ng kalayaan sa Cavite. Naaresto at nakulong siya noong ika-2 ng Hunyo 1898, di naglaon ay nakalaya rin siya agad.

Nagkaroon siya ng limang anak sa asawang si Irene Tapia at pumanaw noong ika-2 ng Oktubre taong 1944 sa Maynila.

Basahin din: Buwan ng Wika
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...