Jovita Fuentes

Si Jovita Fuentes ay isang Pilipinang soprano na mang-aawit at tinaguriang prima donna ng musika. Ginawaran din siya ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining.

Isinilang si Jovita Fuentes noong ika-15 ng Pebrero taong 1895 sa bayan ng Capiz. Siya ang pinakaunang babaeng nakatanggap ng parangal dahil sa kaniyang kahanga-hangang pag-awit sa opera na kinilala sa Pilipinas pati na rin sa labas ng bansa.

Ang kaniyang natatanging pagganap sa mga pinakabantog na mga tanghalan sa daigdig ay nagdala ng karangalan sa Pilipinas at nagbigay ng mataas na respeto talento ng mga Pilipino.

Basahin: Cirilo Bautista

Bagaman kumukuha pa lamang ng karagdagang pagsasanay sa Italya, ay maagang sinakop ng sining ni Fuentes ang mga bantog na tanghalan sa Europa, Amerika, at Asya.

Kinilala siya sa kaniyang di-malilimutang pagganap sa mga pangunahing karakter sa ilalim ng pinakamagagaling na direktor sa buong mundo. Gumanap siya bilang si Cio Cio sa Madame Butterfly na inidirihe ni Giacomo Puccini; Liu Yu naman sa Turandot at Mimi sa La Boheme ni Pucchi; Iris sa Iris ni Pietro Mascagni; at bilang si Salome sa Salome na idinirihe ni Richard Strauss.

Sa pagbabalik ni Jovita Fuentes sa Pilipinas, ginugol niya ang kaniyang panahon upang ibahagi ang kaniyang sining sa pagsusulong ng opera at musika sa Pilipinas.

Silipin din: Casa Gorordo

Itinatag din ni Jovita Fuentes ang Music Promotion Foundation of the Philippines at ang Opera Foundation of the Philippines at Artists Guild of the Philippines.

Naging guro din siya sa musika sa College of the Holy Spirit, Sta. Isabael College, Unibersidad ng Pilipinas, at Presidential Medal of Merit noong 1958; Diwa ng Lahi mula sa Lungsod ng Maynila noong 1975.

Matapos ang halos kalahating 145 siglo ng ambag sa musikang Pilipino, binawian ng buhay si Jovita Fuentes noong ika-7 ng Agosto taong 1978.

Basahin din: Haja Amina Appi
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...