Jose Maria Panganiban

Si Jose Maria Panganiban ay isang manunulat at aktibong kasapi ng Kilusang Propaganda. Ang pangalan niya ang ginamit bilang sagisag-panulat sa pahayagan.

Isinilang siya noong ika-1 ng Pebrero taong 1863 sa bayan ng Mambulao, Camarines Norte. Nakapag-aral siya ng kursong Pilosopiya noong 1882, at sa tulong ng direktor na kaniyang pinapasukang seminaryo, siya ay nakapag-aral sa Colegio de San Juan de Letran.

Gumamit si Jose Maria Panganiban ng sagisag panulat na Jomapa at J.M.P sa pahayagang La Solidaridad. Noong 1887, isinulat niya ang Anatomia de Regines na kinilala bilang isa sa mga mahuhusay niyang katha.

Basahin: Graciano Lopez Jaena

Binigyang parangal ang ilan sa mga isinulat niya na patungkol sa general pathology, therapeutics at surgical anatomy. Ang isa naman sa mga antolohiya niyang akda ay tinipon ni Padre Gregorio Echevarria—isang rektok ng Unibersidad de Santo Tomas, at ipinadala niya sa Expocision General de Filipinas sa Madrid noong 1887.

Nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Universidad de Barcelona sa España noong 1888. Habang siya ay nasa España, kaniyang nabasa ang mga isinulat ng mga Pilipinong propagandista.

Ito ang naging dahilan ng kaniyang pag-anib sa samahan ng grupong Asociacion Hispano-Filipina at La Solidaridad.

Silipin din: The Manila Times

Sa pahayagang kaniyang isinulat, tinalakay niya ang maling sistema ng edukasyon sa Pilipinas at ang hangarin ng malayang pagpapahayag ng saloobin ng mga Pilipino.

Kinilala si Jose Maria Panganiban maging si Jose Rizal ay humanga sa kaniyang husay sa pagsulat at dakilang adhikain para sa bansang kaniyang sinilangan.

Ang ilan sa mga artikulong isinulat niya ay El Pensamiento, La Universidad de Manila: Su Plan de Estudio, at Los Nuevos Ayuntamientos de Filipinas. Ngunit nang magkaroon siya ng sakit na tuberkulosis, humingi siya ng paumanhin kay Rizal dahil sa hindi na siya maaari pang makatulong pa sa kilusan dahil sa kaniyang sitwasyon.

Namatay Jose Maria Panganiban sa Barcelona noong ika-19 ng Agosto taong 1890 sa kaniyang tinitirahan sa Rambla de Canaletas 2. Noong ika-1 ng Disyembre taong 1934, sa bisa ng Act No. 4155 ay ipinangalan sa kaniya ang bayan ng Mambulao, Camarines Norte.

Basahin din: Jose Palma
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...