Jose Maceda

Si Jose Maceda ay isang Pilipinong propesor, kompositor at musiko. Sa kanyang angking husay sa sining, siya ay ginawaran bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Musika noong 1997.

Ipinanganak siya noong ika-31 ng Enero taong 1917 sa lalawigan ng Laguna, sa lugar nina Huwes Casto Maceda at Concepcion Montserrat.

Basahin: Ang Pambansang Awit

Nakilala rin siya sa pag-aaral ng tradisyonal at etnikong musika ng Pilipinas. Mula noong 1963 hanggang 1997, sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa tunay na Pilipinong damdamin at sining sa musika, ang mga obrang nailathala ni Maceda ay pandang bato sa musikang Pilipino. Narito ang iilan sa mga komposisyon ni Jose Maceda.

Ugma-ugma (1963)
Pagsamba (1968)
Udlot-udlot (1975)
Agungan
Kubing
Ugnayan
Ading
Aroding
Siasid
Suling-suling

Bilang isang kompositor, nagtagumpay si Maceda na palayain ang musikang Pilipino sa Kanluraning pagkahon nito sa konsiyerto, simponiya, sonata at iba pa.

Basahin din: Francisco Balagtas

Nakapagtapos siya Jose Maceda noong 1935 sa Academy of Music sa Maynila. Noong 1937 naman ay ipinadala siya sa Paris upang kumuha ng karagdagang pag-aaral sa piyano sa Ecole Normale de Musique de Paris.

Nagtamo siya ng samu’t-saring parangal tulad ng l’Ordre des Palmes Academiques mula sa Pransiya noong 1978; Outsanding Research Award mula sa UP taong 1985; John D. Rockfeller Award mula naman sa Asian Cultural Council sa New York noong 1987, at marami pang iba.

Basahin din: Balagtasan
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...