Jose Garcia Villa

Si Jose Garcia Villa ay isang Pilipinong makata, kritiko, mangangatha, at kabilang sa unang henerasyon ng mga Pilipinong manunulat sa wikang Ingles.

Ipinanganak siya noong ika-5 ng Agosto taong 1908 sa Singalong, Maynila at kinilala sa sagisag na Dovelgion.

Ang unang koleksiyon ng kaniyang mga tula ay pinamagatang Have Come, Am Here na nailathala sa Estados Unidos at umani ng malaking pagkilala noong 1942.

Basahin: F. Sionil Jose

Nagpakilala si Jose Garcia Villa ng mga bagong pamamaraan sa pagtula—napatanyag niya ang tinaguriang tulang kuwit o mga tulang ginagamitan ng bantas ng kuwit sa pagitan ng bawat salita.

Noong estudyante pa lamang si Jose Garcia Villa ay naging kontrobersiyal na siya dahil—ang Man Songs na isinulat niya noong 1929, ay isang serye ng mga tulang erotiko na nailathala sa UP Collegian at Philippines Herald.

Nagtungo siya sa Estados Unidos at doon siya nagsimulang makilala ng maraming tao. Naisama ang kaniyang Untitled Story noong 1932 sa antolohiya ni Edward J. O’Brien.

Silipin din: Doctrina Christiana

Nang siya ay makauwi sa Pilipinas, naging kontrobersiyal ang kaniyang pamimili ng tula at maikling kwento. Ngunit maraming humanga sa kaniyang pamumuna, nagkamit siya ng Pro Patria Award para sa panitikan noong 1961 at Heritage Award para sa tula at maikling kwento noong 1962.

Nakatanggap din siya ng iba pang parangal tulad ng honoris causa na ginawad sa kaniya ng Far Eastern University noong 1959, at kinilalang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 1973.

Basahin din: Mariano Ponce
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...