Jihad

Ang jihad ay isang banal na pakikidigma ng mga Muslim na nagsimula sa wikang Arabe na Mulaitosa na nangangahulugang “pagpupunyagi”.

Ang taong nagsasagawa ng jihad ay tinatawag na mujahid, at mujahideen naman kapag marami. Iniuugat ito sa mga salita at kilos ni Muhammad at ng Koran.

Ang unang dokumentasyon ng batas hinggil sa jihad ay isinulat nina ‘Abd al-Rahman al-Awza’l at Muhammad ibn al-Hasan al-Shavbani matapos ang kamatayan ni Muhammad.

Basahin: Hukbalahap

Nang mamatay si Muhammad noong 632, nakikipagdigma ang mga Muslim sa pamumuno ni Umarsa laban sa mga imperyo sa Ehipto, Persiya, at iba pang mga karatig bansa.

Noong 1928, itinatag ni Hassan al-Banna ang Al-ʾiḫwān Al-muslimūn o ang Kapatiran ng mga Muslim na naglalayong buhaying muli ang isang imperyong Muslim para gamitin ang jihad laban sa mga kaaway ng relihiyon.

Sa kabilang banda, sa mga bansang Islam gaya ng Lebanon, Kuwait, Jordan, at Morocco, nangangahulugan ang jihad bilang dibinong responsibilidad at pagsamba kay Allah at walang pakahulugang militarista.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, may mga iilang jihad ang naitala. Nagkaroon ng rebelyong Moro na binubuo ng mga rebeldeng Muslim sa Mindanao, Sulu, at Palawan laban sa hukbo ng Estados Unidos magmula 1899 hanggang 1913.

Nagkaroon din ng mga organisasyong islam sa bansa na nagdeklara ng jihad laban sa pamahalaan ng Pilipinas at as mamamayang Pilipino na naglalayong magtatag ng isang malayang Bangsamoro.

Itinatag ni Nur Misuari ang Moro National Liberation Front o MNLF noong 1969 at mula dito nabuo naman ang Moro Islamic Liberation Front o MILF noong 1977 sa pangunguna ni Hashim Salamat.

Basahin din: Rajah Sulayman
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...