Ang Intramuros ay tinawag na “nagsasanggalang na pader” o “sa loob ng pader” ay ang makasaysayang napapaderang lungsot at pinakamatandang distrito ng Maynila.

  • Napapaderang Lungsod ng Maynila

Napapaderang Lungsod ng Maynila

Intramuros
Photo from: Wikipedia

Ang Intramuros ay tinatawag ding Napapaderang Lungsod at nung panahon ng mga Kastila ay itinuturing bilang ang lungsod ng Maynila. Ang tawag sa mga distrito sa labas ng pader ay extramuros, na nangangahulugang “sa labas ng pader”.

Bago pa man dumating ang mga Kastila, naging mahalagang lokasyon para sa mga Tagalog at Kapampangan ang bahagi ng Maynila sa baybayin ng look at sa bunganga ng Ilog Pasig, dahil dito sila nakikipagkalakalan sa mga mangangalakal mula sa Tsina, Indiya, Borneo at Indonesia.

Noong 1564, lumayag ang mga Kastila sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legaspi mula Nueva EspaƱa at nakararting sa isla ng Cebu noong 13 Pebrero 1565, kung saan itinatag niya ang unang kolonyang Kastila sa Pilipinas. Noong nabalitaan niya ang di-umanong masaganang yaman ng Maynila mula sa mga Katutubo, nagpadala agad siya ng dalawa sa kaniyang mga pinunong tenyente, sina Martin de Goiti at Juan Salcedo upang tuklasin ang isla ng Luzon.

Ang lungsod ay nahaharap sa panganib ng mga kalamidad na dala ng kalikasan at ng tao, at maging sa mga mananalakay sa labas. Noong 1574, nilusob ng isang iskwadra ng piratang Intsik na pinamumunuan ni Limahong ang lungsod, at nawasak nila ito bago pa sila tuluyang maitaboy ng mga Kastila. Itinayo muli ng mga nakaligtas ang kolonya. Dahil sa pag-atakeng ito ay ginawa ang pagpapatayo ng pader. Sa panahon ni Gobernador-Heneral Santiago de Vera ang paggamit ng bato sa pagpapatayo ng lungsod.

Ang pangunahing plaza ng lungsod ng Maynila ay ang Plaza Mayor (na kinalauna’y naging Plaza McKinley at Plaza de Roma) sa harap ng Katedral ng Maynila. Sa silangan ng plaza ay ang Ayuntamiento (pamahalaang panglungsod) at nakaharap dito ang Palacio de Gobernador, ang opisyal na tirahan ng Kastilang Viceroy sa Pilipinas.

Noong 3 Hunyo 1863 yumanig ang isang lindol sanhi ng pagkawasak ng tatlong mga gusaling ito at sa malaking bahagi ng lungsod. Inilipat ang tirahan ng Gobernador-Heneral sa Palasyo ng Malakanyang na matatagpuan tatlong kilometro pagbagtas ng Ilog Pasig. Itinayo ang dalawang naunang mga gusali ngunit hindi ang Palacio de Gobernador.

Ilang mga balwarte, rabelin at reducto ang maingat na inilagay sa iba’t ibang bahagi ng malaking pader na isinunod sa medyebal na pagkukuta. Ang pitong mga balwarte (paorasan, mula Fort Santiago) ay ang Balwarte ng Tenerias, Aduana, San Gabriel, San Lorenzo, San Andres, San Diego at Plano. Dahil ang bawat balwarte ay itinayo sa iba’t ibang kapanahunan, iba’t iba ang naging anyo ng mga ito. Ang pinakamatanda sa mga ito ay ang Balwarte ng San Diego.

Noong Disyembre 1941, sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas. Ang unang mga pagwasak na naganap sa Intramuros sanhi ng digmaan ay ang pagwasak sa Simbahan ng Sto. Domingo at ang orihinal na Pamantasan ng Santo Tomas sa naganap na labanan. Dahil hindi kayang mapagtanggol ang Maynila, idineklara ni Heneral Douglas MacArthur ang buong Lungsod ng Maynila bilang “Open City” (bukas na lungsod).

Noong 1951, idineklara bilang Pambansang Bantayog ang Intramuros maging ang Fort Santiago sa ilalim ng Batas Republika Blg 597, na siya ding nagtatakda ng patakaran ng pagbabalik, pagpapatayong-muli at pagsasaplanong urban ng Intramuros. Ilang mga katulad na batas din ang itinakda ngunit dahil sa kakulangan sa pondo ay hindi naging maganda ang kinalabasan. Noong 1979, sa ilalim ng Kautusan ng Pangulo Blg 1616, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, ay itinatag ang Administrasyong Intramuros.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here