Imelda Marcos | Unang Ginang ng Pilipinas

0
73
Imelda Marcos | Unang Ginang ng Pilipinas

Si Imelda Marcos o Imelda Remedios Visitacion Romualdez ay ipinanganak noong 2 Hulyo 1929, isang Pilipinong politiko at naging Unang Ginang ng Pilipinas.

Ang larawan ay nagmula sa: Wikipedia

Ipinanganak siya sa Ospital ng San Juan de Dios sa Intramuros, Maynila at panganay na anak nina Vicente Lopez Romualdez at Remedios Trinidad. Siya ang naging unang ginang ng Pilipinas sa loob ng 21 taon ng ika-10 Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos mula 1965 hanggang 1986.

Si Imelda Marcos ay kadalasang naaalala sa buong mundo para sa kanyang maluhong pamumuhay noong panunungkulan ng kanyang asawa bilang Pangulo na itinalang ikalawang pinaka-kurakot na pinuno sa buong mundo.

Basahin: Balangay

Tinatayang 5-10 na bilyong US na dolyar ang nakamkam niya at ng kanyang asawa mula sa kaban ng Bayan. Kabilang sa sinasabing maluhong pamumuhay ni Imelda ay ang kanyang koleksiyon ng higit sa isang libong mga pares ng mga mamahaling sapatos.

Bukod sa koleksiyon ng mga mamahaling sapatos, kilala rin si Imelda dahil sa mga mamahaling alahas nito at mga magagarbong pagdiriwang dahilan para magkaroon ng bansag na Imeldific na hango sa kanyang pangalan. Kilala rin siya at binansagang Bakal na Paru-paro.

Bilang Unang Ginang

Noong Disyembre 1965, ang kanyang asawang si Ferdinand Marcos ay nahalal na ikasampung Pangulo ng Pilipinas at si Imelda Marcos ay naging unang ginang ng Pilipinas. Si Imelda ay malawakang itinanghal sa mga lokal at internasyonal na media gayundin sa mga artikulo ng magasin. Noong Hulyo 1966, nang dumalaw ang Beatles sa Pilipinas para sa isang konsiyerto, inanyayahan sila ni Imelda na dumalo sa isang pagtanggap na pang-agahan sa Malakanyang.

Noong 1969, si Ferdinand Marcos ay muling nahalal na pangulo ng Pilipinas para sa isa pang apat na taon na termino. Gayunpaman, noong 23 Setyembre 1972, idineklara ni Ferdinand Marcos ang Martial Law at binuwag ang Kongreso ng Pilipinas na nag-aalis ng tungkulin sa mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ng kapangyarihang lehislatibo o paggawa ng batas si Marcos. Noong 1973, pinalitan ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 ng isang bagong Saligang Batas at si Marcos ay nagmungkahi ng mga amiyenda sa bagong Saligang Batas noong 1976 na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihan sa ilalim ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang ipinagkaloob sa Pangulo at Punong Ministro ng 1973 Saligang Batas gayundin ng mga kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa iangat ang Batas Militar.

Mga Akusasyon ng Maluhong Pamumuhay

Si Imelda Marcos at ang kanyang asawang si Ferdinand Marcos at mga crony ay inakusahan ng korupsiyon at pagnanakaw ng mga bilyong bilyong dolyar mula sa kabang yaman ng Pilipinas. Minsang sinambit ni Imelda Marcos na, ako ay ipinanganak na mapagpasikat. Kanilang itatala ang aking pangalan sa diksiyonaryo balang araw. Kanilang gagamitin ang Imeldific upang pakahulugang mapagpasikat na kaluhuan.

Tingnan din: Katipunan

Binatikos ng mga kritiko ang maluhong pamumuhay ni Imelda Marcos sa gitna ng laganap na kahirapan sa Pilipinas.

Si Imelda ay nilitis sa New York noong mga 1990 sa mga kaso ng rackeetering at pandaraya ngunit pinawalang sala ng isang hurado sa mga kasong ito. Sa Pilipinas, ang maraming mga paglilitis sa korte laban kay Imelda ay sumunod kung saan siya ay hinatulan ng korupsiyon at sinentensiyahan ng 18 taon sa bilangguan.

Pinayagan muling makabalik si Marcos sa Pilipinas nang mamatay and kanyang asawa na si Ferdinand Marcos noong 1989. Sinubukan niyang tumakbo para sa pagkapangulo noong 1992 at 1998 ngunit hindi siya nagtagumpay sa pareho. Tumakbo siya sa Leyte para sa isang upuan sa Kongreso at tagumpay siyang nagsilbi ng isang termino. Noong 2010, tumakbo naman siya sa isang upuan para sa Ilocos Norte at tagumpay din siya doon.

Basahin din: Rebolusyong EDSA
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...