Ilog Pasig

Ang Ilog Pasig o Pasig River sa wikang Ingles ay isang ilog sa Pilipinas na dumadaloy mula sa Laguna de Bay patungo sa Look ng Maynila.

Sumusukat ito ng haba na 25 kilometro at nahahati ang Kalakhang Maynila sa dalawa: ang Ilog Marikina at Ilog San Juan na silang pangunahing mga sanga nito

Bago ang malawang urbanisasyon ng Maynila, isang mahalagang rutang pang-transportasyon ang Ilog Pasig—ito ang dating sentro ng mga aktibidad sa lungsod ng Maynila.

Basahin: Jones Bridge

Matatagpuan din dito ang iilan sa mga tanyag na kaharian sa kasaysayan ng sinaunang Pilipinas tulad ng mga kaharian ng Namayan, Maynila, at Tondo na kung saan nabuo ang mga pampang sa ilog, sa lugar kung saan sila kumukuha ng kanilang kabuhayan.

Nang maitatag ng mga Kastila ang Maynila bilang kabisera ng kanilang kolonya sa Dulong Silangan, ay ginawa nila ang Intramuros sa katimugang pampang ng Ilog Pasig na malapit sa lagusan nito sa look ng Maynila.

Mula sa lawa ng Laguna patungo sa Maynila, ang ilog ay dumadaloy sa pagitan ng Lungsod ng Taguig, at ng Taytay, Rizal bago ito pumasok sa Lungsod ng Pasig.

Ang nag-iisang pulo na humahati sa ilog ay matatagpuan din sa Lungsod ng Maynila at na kung saan matatagpuan din ang kinatitirikan ng Hospicio de San Jose.

Silipin din: Mga Anyong Tubig

Subalit, dahil sa kapabayaan at pagpapaunlad ng mga industriya sa paligid nito, nasalaula at tumaas ang polusyon at itinuturing na itong patay na ilog ng mga ekoholista.

Gayunpaman, itinatag ang Komisyon sa Pagbubuhay ng Ilog Pasig upang pamanihalaan ang pagsisikap na buhaying muli ang nasabing ilog.

Basahin din: Malacañang
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...