Ika-9 Pangulo ng Pilipinas | Diosdado Macapagal

Si Diosdado Macapagal ay ang umupo bilang ika-9 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula noong 1961 hanggang 1965 at naging Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika.

  • Ika-9 na Pangulo ng Pilipinas

Diosdado Macapagal

Diosdado P. Macapagal
Photo from: Wikipedia

Si Diosdado Pangan Macapagal ay isinilang noong 28 Setyembre 1910 sa San Nicolas, Lubao, Pampanga. Tinagurian siyang “Batang Mahirap mula sa Lubao”. Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos naman siya ng kolehiyo mula sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya, at nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at Doktor ng Ekonomiya.

Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at muling nahalal noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty).

Basahin: Kilusang Propaganda

Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa.

Sa muling eleksiyon noong 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay si Marcos sa Partido Liberal at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon. Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensiyong Konstitusyonal noong 1971.

Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng Makati sa Lungsod ng Makati, noong 21 Abril 1997, sa edad na 86. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.

Basahin din: Nasyonalismo
Mga Pangulo ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...