Si Carlos P. Garcia ang nahalal upang mamuno sa Pilipinas. Siya ang ika-8 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula noong 1957 hanggang 1965.

  • Ika-8 Pangulo ng Pilipinas

Carlos P. Garcia

Carlos P. Garcia
Photo from: Wikipedia

Si Carlos Polistico Garcia ay isinilang noong 4 Nobyembre 1896 sa bayan Talibon, Bohol. Isang Pilipinong makata at politiko, naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay. Nakapagtapos siya ng abogasya sa Philippine Law School at nakapasa sa bar noong 1923 sa Maynila.

Una niyang pinasok ang politika noong 1926 bilang kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan at naglingkod hanggang 1932. At nagsilbi siya bilang gobernador ng Bohol mula 1932 hanggang 1941.

Nahalal siya sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit hindi nakapaglingkod dahil sa pananakop ng mga Hapones noong Disyembre 1941. Ipinagpatuloy niya ang paglilingkod bilang Senador nang mapalaya ang Pilipinas sa pananakop ng mga Hapones noong 1945. Siya ay nanungkulan mula 1945 hanggang 1953. Tumungo si Garcia sa Estados Unidos upang ilobby ang kabayaran para pinsala sa digmaan ng Pilipinas. Siya ay nagsilbi ring delegado ng bagong nabuong United Nations sa San Francisco. Sa Senado, siya ay naging pinuno ng minorya at namuno sa mga impluwensiyal na komite hingil sa pamahalaan, hukbo, katarungan at ugnayang pandayuhan ng Pilipinas.

Pagkatapos sumuko ang mga Amerikano sa mga Hapones noong Mayo 1942, si Garcia ay pinahanap ng mga awtoridad na Hapones upang hulihin dahil sa kanyang pagtangging sumali sa pananakop ng mga Hapones. Siya ay sumali sa puwersang gerilyang laban sa Hapon sa Bohol hanggang sa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Noong Marso 1957, si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Ramon Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano.

Nagwagi siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957. Upang makuha ang pagkapanalo sa 1957 halalan, pinili niya si Diosdado Macapagal mula sa oposisyong Partido Liberal na maging kasamang tatakbo bilang pangalawang pangulo.

Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang politiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Boholano. Namatay siya sa atake sa puso noong 14 Hunyo 1971 sa edad na 74.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here