Ika-5 Pangulo ng Pilipinas | Manuel Roxas

Si Manuel Roxas ay ang ika-5 Pangulo ng Republika ng Pilipinas at sumunod na naging ikatlong Pangulo ng Komonwelt.

  • Ika-5 Pangulo ng Pilipinas

Manuel Roxas

Manuel Roxas
Photo from: Wikipedia

Ipinanganak si Si Manuel Acuña Roxas noong 1 Enero 1892 sa bayan ng Capiz, Capiz na ngayon ay tinatawag nang Lungsod Roxas noong siya’y namatay.

Siya ay nagtapos sa Mataas na Paaralan ng Maynila noong 1909. Siya ay nag-aral ng batas sa isang pribadong paaralang itinatag ni George A. Malcolm na unang dekano ng Kolehiyo ng Abugasya ng Unibersidad ng Pilipinas. Sa ikalawang taon ay pumasok siya sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan siya nagtapos na balediktoryan at nakakuha ng pinakamataas na markang 92% sa bar examination noong 1913.

Sinimulan ni Roxas ang kanyang karerang pampulitika noong 1917 bilang kasapi ng konsehong pangmunisipyo ng Capiz. Siya ay nahalal na Gobernador ng Capiz mula 1919 hanggang 1921.

Si Roxas ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas noong 1922 at nanungkulan bilang Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa 12 taon. Siya ay naging kasapi ng Philippine Council of State. Noong 1923, si Roxas at pangulo ng senado na si Manuel L. Quezon ay nagbitiw sa Council of State nang simulang i-veto ni Gobernador-Heneral Leonard Wood ang mga panukalang batas na ipinasa ng lehislatura ng Pilipinas.

Pagsasaayos ng elektripikasyon, pagsasanay sa mga gawaing bokasyunal, pagtatatag ng mga kaluwagan sa pagpapautang, paghikayat sa mga kapitalistang amerikanong mamuhunan sa bansa ay ang iba sa kanyang mga ginawa bilang pangulo ng Pilipinas. Sa panahon din ng panunungkulan ni Roxas ay binigyan ng pansin ang pagpapalaki ng produksiyong magpapaunlad ng industriya at pagsasaka. Maraming korporasyon o samahang itinatag upang mangalaga sa kapakanan ng mga magsasaka.

Naihalal siya sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit ang Kongreso ng Pilipino ay hindi natipon hanggang pagkatapos lamang na mapalaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones noong 1945. Nang matipon ang Kongreso noong 1945, si hinalal ng Kongreso na nahalal noong 1941 bilang pangulo ng Senado.

Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones, ang Komonwelt ng Pilipinas ay ibinalik sa Pilipinas noong Pebrero 27, 1945 kung saan Pangulo si Sergio Osmeña.

Nanalo si Roxas sa 1946 halalan ng pagkapangulo noong Abril 23,1946 na may 54 porsiyento ng kabuuang boto laban kina Sergio Osmeña ng Partido Nacionalista at Hilario Moncada ng Partido Modernista. Si Roxas ay tumakbo sa ilalim ng Partido Liberal na kanyang itinatag pagkatapos humiwalay sa Partido Nacionalista. Si Roxas ay nagsilbing pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas mula Mayo 28,1946 hanggang Hulyo 4,1946 nang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Estados Unidos.

Si Roxas ang nanungkulang Pangulo ng Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan noong 15 Abril 1948.

Si Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948 sa atake sa puso pagkatapos manalumpati sa harap ng Sandatahang Panghimpapawid ng Estados Unidos. Dahil hindi pa tapos ang termino ni Roxas, siya ay hinalinhan ng Pangalawang Pangulong si Elpidio Quirino.