Ika-3 Pangulo ng Pilipinas | Jose P. Laurel

Si Jose P. Laurel ang naihalal bilang ika-3 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 1943 hanggang 1945 at nanungkulan din siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman noong panahong sumiklab ang ikalawang Digmaang Pandaigdig.

  • Ika-3 Pangulo ng Pilipinas

Jose P. Laurel

Jose P. Laurel
Photo from: Wikipedia

Si Jose Paciano Laurel y Garcia ay isinilang noong 9 Marso 1891 sa bayan ng Tanauan, Batangas. Ang kanyang mga magulang ay sina Sotero Laurel, Sr. at Jacoba Garcia. Habang nag-aaral, nangatwiran siya para sa kanyang sarili at napawalang sala. Nagtapos siya ng batas sa Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Batas noong 1915 kung saan siya nag-aral sa ilalim ni Dekano George A. Malcolm na kanyang hinalinhan sa Korte Suprema ng Pilipinas. Nakamit niya ang Master of Laws degree mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1919 at pagkatapos ay pumasok sa Yale Law School kung saan siya nagtapos ng Doktorado ng Batas.

Habang nag-aaral pa lamang si Laurel, naging isang mensahero siya ng Bureau of Forestry bilang isang clerk sa Komite ng Kodigo na inatasang magkodigo ng mga batas ng Pilipinas. Sa kanyang pagbalik mula sa Yale, siya ay hinirang na Pangalawang Kalihim ng Kagawarang Panloob at pagkatapos ay itinaas bilang Kalihim ng Kagawaran ng Panloob noong 1922. Sa posisyong, palagi nakikipag-alitan sa Gobernador Heneral ng Estados Unidos na si Leonard Wood sa Pilipinas. Noong 1923, si Laurel ay nagbitiw kasama ng ilang mga kasapi ng gabinete ng pamahalaan ni Wood.

Si Laurel ay nahalal at naging kasapi ng Senado ng Pilipinas noong 1925. Siya ay nagsilbi ng isang termino bago matalo sa muling pagtakbo sa halalan noong 1931 kay Claro M. Recto. Siya ay bumalik sa pagsasanay na pampribado ng batas ngunit noong 1934 ay muling nahalalal sa opisinang pampubliko bilang delegado ng Kombensiyang Konstitusyonal ng 1935. Kanyang inisponsoran ang mga probisyon ng Panukalang Batas ng mga Karapatan. Pagkatapos ng pagpapatibay ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 at pagkakatatag ng Komonwelt ng Pilipinas, si Laurel ay nahirang na kasamang mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas noong 28 Pebrero 1936.

Nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas, si Pangulong Manuel L. Quezon ay tumakas sa Bataan at pagkatapos ay sa Estados Unidos upang itatag ang isang pamahalaan sa pagkakatapon. Si Laurel ay may malapit na kaugnayan sa mga opisyal na Hapones. Ang kanyang anak ay pinag-aral sa Imperial Military Academy in Tokyo at si Laurel ay tumanggap ng isang honoraryong doktorado mula sa Unibersidad ng Tokyo.

Si Laurel ang isa sa mga opisyal ng Komonwelt ng Pilipinas na inutusan ng Hukbong Imperyal na Hapones na bumuo ng isang probisyonal na pamahalaan nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas.

Siya ay nakipagtulungan sa mga Hapones at dahil sa kanyang pagiging kilalang bumabatikos sa pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas, si Laurel ay nagsilbi sa ilang mga matataas na posisyon sa pamahalaang Hapones sa Pilipinas noong 1942-1943. Noong 1943, siya ay binaril ng mga gerilyang Pilipino habang naglalaro ng golf sa Wack Wack Golf at Country Club ngunit siya ay gumaling. Nang taong iyon, siya ay pinili ng Pambansang ilalim ng impluwensiya ng Hapon na magsilbi bilang Pangulo ng Pilipinas.

Dahil sa kaugnayan ng pamahalaan ni Laurel sa Hapon, ang malaking bahagi ng populasyong Pilipino ay aktibong sumalungat sa kanyang pagkapangulo na sumuporta naman sa ipinatapong pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon sa Estados Unidos.

Noong 21 Setyembre 1944, idineklara ni Laurel ang Martial Law na nagdedeklara ng pag-iral ng digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian. At nagkaroon ng epekto noong 23 Setyembre 1944 ng alas diyes ng umaga.

Nang sumuko ang mga pwersang Hapones noong 15 Agosto 1945, inutos ni Gen. Douglas MacArthur na dakipin si Laurel para sa pakikipagtulungan nito sa mga Hapones. Noong 1946, si Laurel ay sinampahan ng 132 bilang ng kasong pagtataksil. Gayunpaman, siya ay hindi kailanman nilitis dahil sa amnestiyang ipinagkaloob ni Pangulong Manuel Roxas noong 1948. Si Laurel ay tumakbo sa 1949 halalan ng pagkaPangulo laban kay Elpidio Quirino ngunit natalo.

Namatay si Jose P. Laurel noong 6 Nobyembre 1959, sa Lourdes Hospital sa Maynila mula sa atake sa puso at stroke at inilibing sa Tanuan.