Ika-16 Pangulo ng Pilipinas | Rodrigo Duterte

Si Rodrigo Duterte ang kasalukuyang nanunungkulan bilang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas at siya ang naging unang naging Pangulo na nagmula sa Mindanao.

  • Ika-16 na Pangulo ng Pilipinas

Rodrigo Duterte

Rodrigo Duterte
Photo from: Wikipedia

Si Rodrigo “Rody” Roa Duterte ay isinilang noong 28 Marso 1945 sa Maasin na ngayon ay tinatawag nang kabesera ng Timog Leyte. Anak nina Vicente Duterte at Soledad Roa. Siya ay kilala rin sa bansag na Digong, isang Pilipinong abogado at politiko na kasalukuyang naninilbihan bilang Pangulo ng Pilipinas.

Bago maging isang Pangulo, si Digong ay isa sa mga pinakamatagal na nanilbihan bilang alkalde sa Pilipinas at naging alkalde ng Lungsod ng Dabaw, isang urbanisadong lungsod sa kapuluan ng Mindanao nang pitong termino o mahigit dalawamput taong pagsisilbi.

Nag-aral si Duterte ng elementarya sa paaralan ng Laboon. Lumipas ang ilang taon, siya ay lumipat sa Santa Ana Elementary School sa Davao. Siya ay nakapagtapos ng elementarya noong 1956. Natapos niya ang sekondarya sa mataas na paaralan ng Department of the Holy Cross College sa Digos.

Matapos mapatalsik nang dalawang beses sa nakaaraang paraalang pinasukan, kasama na ang mataas na paaralan ng Ateneo de Davao University dahilan ng kanyang pagka-pilyo. Nakapagtapos siya noong 1968 at nakakuha ng degri ng Bachelor of Arts in Political Science sa Lyceum of the Philippines sa Manila.

Sa kanyang kabataan, mas pinili niya noong makipagkaibigan sa mga “tigasin” at mga karaniwang tao sa kanilang lungsod na kung saan ay nagbukas sa kanya ng kalayaan at karanasan upang mas mapalapit sa masa.

Hindi maitatangging ang diwa ng politika at panunungkulan ay nasa dugo na ng mga Duterte at ito nga’y marahil ang naitanim sa isang Rodgrigo Roa Duerte. Mula sa kanyang ama na dating gobernador ng Davao at naging alkalde ng Danao City sa Cebu, si Vicente Duterte; ang kanyang pinsan na si Ronald naman ay nanilbihan bilang alkalde ng Cebu mula 1983 hanggang 1986; habang ang ama ni Ronald na si Ramon Duterte ay humawak rin ng katungkulan mula 1957 hanggang 1959; at maibibilang din ang mga angkang Almedra at Durano mula sa kanilang mga kamag-anak sa Cebu sa linya ng politika.

Gayunpaman, hindi niya talaga noon pinangarap na maging isang mayor. Matapos niyang maipasa ang bar exam, nanilbihan muna si Duterte bilang special counsel ng pamahalaang lungsod at naging assistant city fiscal.

Mula taong 1986, hindi na nawala sa katungkulan si Mayor Rodrigo Duterte at naging aktibo sa paninilbihan at nailuklok bilang bise alkalde ng matapos ang People Power Revolution. Naglagak naman siya ng mga kinatawang alkalde para sa hanay ng Moro at Lumad. Naupo rin siya bilang kongresista, tumakbong alkalde, bise alkalde at muling naging alkalde ng Davao.

Nagkamit siya ng sari-saring parangal gaya ng National Literacy Hall of Fame mula sa pag-ani niya ng tatlong beses na pagkilala sa kanya sa kategoryang “Outstanding Local Government Highly Urbanized.”

Kilala ang Davao City noon bilang “murder capital” ng bansa, naging malaki ang pagbabagong tinatamasa ngayon ng Davao na kapayapaan at kaayusan na kung saan ay kinikilala na ito ngayon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa sa pagiging “the most peaceful city in Southeast Asia.”

Bunga na rin ng pitis na pagpapatupad ng mga batas ng lokal na pamahalaan, kaalinsabay ng buong suporta ng kanilang Mayor Duterte. Kinilala rin ang husay sa implementasyon ng mga batas gaya ng liquor ban mula ala una ng madaling araw hanggang alas otso ng umaga; pag-oobliga sa mga establisimyentong komersyal na magkaroon ng CCTV cameras; at mahigpit na pagbabantay sa speed limits sa mga sasakyan sa lungsod.

Hindi maitatanggi, lalo na ng mga taga-Davao ang iba’t ibang mukha ng paghanga at pagmamahal nila kay Duterte lalo na sa pagiging mapagmalasakit nito. Matapos manalasa ang Bagyong Yolanda, isa ang Davao sa mga nanguna sa pagpapaabot ng ayuda at rumisponde mula sa hanay ng lokal na pamahalaan.

Ang administrasyong Duterte ay sumisimbolo bilang isang kamao na maaaring magbunga alinman sa dalawa: una riyan ay ang kamao na siyang susuntok o pupukol sa napakaraming suliraning kinakaharap ng bansa, o ang pangalawa ay ang kamao na susuntok na lamang sa buwan.

Noong 30 Mayo 2016, hinalal na ika-16 na Kongreso ng Pilipinas si Rodrigo Duterte bílang president-elect ng Pilipinas matapos nitong manalo sa opisyal na bilangan ng mga boto ng Kongreso ng Pilipinas noong 27 Mayo 2016, na may 16,601,997 boto, mas mataas nang 6.6 milyon kaysa sa kaniyang pinakamadikit na katunggaling si Mar Roxas.

Sa loob ng tatlong taon niyang paninilbihan sa Pilipinas, tinatayang 79% ang nakuha niyang grado sa mga mamamayang Pilipino dahil sa kanyang mga nagawa kabilang na ang kanilang proyekto na tinatawag na “Build Build Build” na inaasahan ng lahat na matatapos bago matapos ang kaniyang termino sa pagka-Pangulo.