Si Benigno “Noynoy” Aquino III o mas kilala sa tawag na P-Noy ay ang naatasang mamuno noong 2010 hanggang 2016 bilang ika-15 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

  • Ika- 15 na Pangulo ng Pilipinas

Benigno S. Aquino III

Benigno S. Aquino III
Photo from: Wikipedia

Isinilang si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III noong 8 Pebrero 1960 sa Maynila nina Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. at ni dating Pangulong Corazon Aquino. Siya ay nakapag-aral na natapos nito ang kaniyang Batsilyer sa Sining na Dalubhasa sa Ekonomiks mula sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1981.

Siya ay sumama sa kaniyang pamilya noong ipinatapon sila ng pamahalaang Marcos patungo sa Estados Unidos. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1983 matapos ang kahindik hindik na sinapit ng kaniyang ama at ang ilang mga humawak sa posisyon sa pribadong sektor.

Noong 1998, siya ay nahalal bilang Kinatawan ng ika-2 Distrito ng lalawigan ng Tarlac. Siya ay muling nahalal noong 2001 at 2004 at nagsilbing kinatawan hanggang 2007. Dahil sa limitasyon ng termino, hindi na siya makakatakbong muli sa halalan ng kinatawan.

Si Aquino ay tumakbo at nahalal sa Senado noong 2007. Siya ang ikaanim na may pinakamataas na nakuhang boto sa mga 37 kandidato para sa 12 bakanteng upuan ng senado.

Matapos ang kamatayan ng kaniyang ina na si Corazon Aquino noong 1 Agosto 2009, maraming mga tao ang tumawag kay Noynoy upang tumakbo sa halalan ng pagkapangulo kabĂ­lang ang Noynoy Aquino for President Movement (NAPM) na kampanya sa buong bansa upang lumikom ng 1 milyong lagda upang hikayatin si Aquino na tumakbo sa halalan ng pagkapangulo. Bago nito noong 26 Nobyembre 2008, hinalal ng partido Liberal si Mar Roxas bilang pangulo ng partido at standard-bearer ng partido para sa halalan ng pagkapangulo sa darating na 2010 halalan ng pagkapangulo. Siya ay nanalo sa pagkapangulo at inatasang maging ika-15 Pangulo ng Pilipinas.

Sa ilalim ng pamumuno ni Noynoy Aquino, ang rate ng paglago ng GDP ng Pilipinas noong 2012 ay 6.8% na sinasabing ikalawang pinakamataas sa Asya. Ang Fitch Ratings ay nagtaas ng Pilipinas sa “BBB-” with a stable outlook na unang pagkakataong ang Pilipinas ay nakatanggap ng gayong katayuan na grado ng pamumuhunan sa Pilipinas.

Itinaas din ng World Economic Forum ang Pilipinas sa 10 punto sa itaas na kalahati ng ranggong pagiging kompetetibo nitong pandaigdigan sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga pagbuti sa ekonomiya ay sinasabing sanhi ng mga hakbang na isinasagawa ni Noynoy upang pataasin ang pagiging bukas ng pamahalaan at sugpuin ang korapsiyon na muling nagbigay ng pagtitiwalang internasyonal sa ekonomiya ng Pilipinas.

Gayunpaman, sinasabing ang mga mayayamang pamilya lamang ang nakinabang at nakikinabang sa pagbuti ng ekonomiya.

Noong 2013, ang rate ng paglago ng GDP ay 7.2% mula 6.8% noong 2012 na ang pinakamalakas na dalawang taon ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas mula noong 1950. Ayon sa SWS Poll, ang kawalang trabaho sa Pilipinas ay tumaas mula 21.7% noong Setyembre 2013 sa 27.5% noong Disyembre 2013.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here