Ika-14 Pangulo ng Pilipinas | Gloria Arroyo

Si Gloria Macapagal-Arroyo ang nanungkulan bilang ika-14 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula noong 2001 hanggang 2010. Kasalukuyang rin siyang nanunungkulan bilang ika-25 Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas.

  • Ika-14 na Pangulo ng Pilipinas

Gloria Macapagal-Arroyo

Gloria Macapagal-Arroyo
Photo from: Wikipedia

Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo ay ipinanganak noong 5 Abril 1947 sa bayan ng San Juan, Rizal. Una siyang nanirahan sa Lubao, Pampanga kasama ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng kanyang ama.

Sa gulang na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa kanyang nanay sa Lungsod ng Iligan. Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati ang kanyang panahon sa Mindanao at Maynila hanggang siya ay maging 11 gulang. Matatas siyang manalita ng Ingles, Tagalog, Kastila at iba pang wikang Pilipino, gaya ng Kapampangan, Ilokano at Sebwano.

Noong 1961, nang siya ay 14 taon gulang, nahalal ang ama niya bilang pangulo ng Pilipinas. Lumipat ang kanilang pamilya sa Palasyo ng MalacaƱang. Isang bayan ang isinunod sa kanyang pangalan, ang Gloria, Oriental Mindoro. Nag-aral siya sa Dalubhasaang Asuncion para sa kanyang mababa at mataas na pag-aaral, at nakapagtapos ng Valedictorian noong 1964.

Basahin: Araw ng Kalayaan

Nag-aral siya pagkatapos noon sa Walsh School of Foreign Service ng Pamantasan Georgetown sa Washington D.C. kung saan naging kamag-aral niya ang magiging pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton. Natamo niya ang kanyang antas sa Batsilyer sa Sining ng Ekonomiks mula sa Dalubhasaang Asuncion, at nakapagtapos bilang magna cum laude noong 1968.

Noong 1987, inanyayahan siya ni Pangulong Corazon Aquino na sumali sa pamahalaan bilang Assistant Secretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Itinaas ang kanyang posisyon bilang Undersecretary, dalawang taon makalipas. Bilang kasabay na Tagapamahala ng Garments and Textile Export Board, napalawig ni Arroyo ang industriya ng pananamit noong huling bahagi ng dekada 80.

Si Arroyo ay tumakbo sa halalan ng Senado noong 1992 at nagwagi para sa 3 taong termino. Ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang una lamang 12 kandidato na may pinakamataas na boto ang magsisilbi para sa 6 na taong termino ngunit si Arroyo ang ika-13 kandidatong may pinakamataas na boto. Si Arroyo ay muling tumakbo sa senado noong 1995 at nakakuha ng pinakamataas na boto na halos 16 milyong boto.

Bilang mambabatas, naghain si Arroyo ng 400 mga saligang batas at naging may-akda o tumulong sa pagtaguyod ng 55 mga batas noong kanyang panunungkulan niya bilang senador, kabilang na ang Anti-Sexual Harassment Law, Indigenous People’s Rights Law, at ang Export Development Act.

Naisipan ni Arroyo na tumakbo sa halalan ng pagkapangulo noong 1998 ngunit nahikayat siya ni dating Pangulong Fidel Ramos at iba pang mga pinuno ng partidong Lakas-CMD na tumakbo na lamang bilang ikalawang pangulo o bise presidente bilang running mate ni Jose de Venecia, Jr. Si de Venecia ay natalo kay Joseph Estrada bilang pangulo ngunit si Arroyo ay nagwaging pangalawang pangulo na may higit sa dalawang ulit na nakuhang boto ng running mate ni Estrada na si Senador Edgardo Angara.

Nagsimula ang kanyang termino bilang Ikalawang Pangulo noong 30 Hunyo 1998. Siya ang kauna-unahang babaeng Ikalawang Pangulo sa kasaysayan ng Pilipinas. Itinilaga siya ni Estrada sa gabinete bilang Kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad.

Nagbitiw si Arroyo sa gabinete noong Oktubre 2000, upang lumayo kay Pangulong Estrada, na inakusahan ng korupsiyon ng dati nitong kaalyadong si Chavit Singson, ang Gobernador ng lalawigan ng Ilocos Sur. Inisyal siyang tumanggi sa mga kaalyado na magsalita laban kay Estrada, subalit lumaon ay sumama sa panawagang magbitiw si Estrada.

Noong 20 Enero 2001, matapos ang ilang araw ng kaguluhang pampolitika at mga malawakang pagpoprotestang tumatawag sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph Estrada dahil sa mga akusasyon ng korupsiyon, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante na ang posisyon ng pagkapangulo. Noong kinahapunan din nang araw na iyon, ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ni Punong Hukom na si Hillario Davide , Jr.

Si Arroyo ay tumakbo at nagwagi sa halalan ng pagka-Pangulo noong 2004, siya ang naupo bilang ika-14 na Pangulo ng Pilipinas ngunit ang halalang ito ay sinasabing nabahiran ng pandaraya sa panig ni Arroyo batay sa wiretapped recording ng usapan sa telepono sa pagitan nina Arroyo at opisyal ng COMELEC na si Garcillano noong canvassing ng 2004 halalan sa pagkapangulo.

Dahil sa pagkakaroon ng Master degree at doktoral sa ekonomiks, itinuon ni Arroyo ang kanyang pagkapangulo sa Ekonomiya ng Pilipinas. Sa ilalim ng pamumuno ni Arroyo mula 2001 hanggang 2010, ang pangkaraniwang paglago ng GDP ng Pilipinas ay 4.7%. Ito ay higit na mataas kung ihahambing sa pamumuno ng kanyang mga kahalinhinan, Corazon Aquino (3.8%), Fidel Ramos (3.7%), at kay Joseph Estrada (3.7%). Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa pinakamabilis nitong antas sa loob ng nakaraang tatlong dekada noong 2007, na may pagtaas ng real GDP na 7%.

Ang mga kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay ang mga sumusunod:

  • Hello Garci Scandal
  • Fertilizer Fund Scam
  • NBN-ZTE Scandal
  • Pagsabotahe ng Halalan noong 2007
  • Le Cirque Scandal
  • Lotto Scandal

Si Arroyo ay dinakip sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig noong 18 Nobyembre 2011 pagkatapos sampahan ng kaso para sa pagsabotahe ng halalan noong 2007 ng COMELEC.

Si Arroyo ay inilipat sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City noong 9 Disyembre 2011. Si Arroyo ay pinalaya pagpagkatapos magpiyansa noong 25 Hulyo 2012. Si Arroyo ay muling dinakip pagkatapos sampahan ng kasong pandarambong ng 366 milyong pisong pondo ng pambansang lotto upang pondohan ang kanyang pangangampanya.

Basahin din: Komisyon sa Wikang Filipino
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...