Ang naihalal na maupo bilang ika-13 Pangulo ng Republika ng Pilipinas ay si Joseph “Erap” Estrada mula noong 1998 hanggang 2001.

  • Ika-13 Pangulo ng Pilipinas

Joseph Ejercito Estrada

Joseph Ejercito Estrada
Photo from: Wikipedia

Isinilang si Joseph “Erap” Estrada noong 19 Abril 1937 sa Tondo, Maynila, Siya ay pinatalsik sa kanyang mga pag-aaral na pang-primarya sa Ateneo de Manila University at kalaunang kumuha ng kursong inhenyeriya sa Mapua Institute of Technology.

Huminto siya sa pag-aaral sa kolehiya sa kadahilanang makapasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Sa kanyang pagpapatuloy sa larangan ng pag-arte, siya ay nakagawa ng mga humigit kumulang na 120 pelikula. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula.

Noong 1968, si Estrada ay tumakbo sa halalan ng pagka-alkalde sa San Juan, Kalakhang Maynila. Siya ay natalo kay Dr. Braulio Sto. Domingo. Gayunpaman, si Estrada ay pinroklamang nagwagi matapos niyang magsampa ng protestang elektoral. Si Estrada ay nagsilbing alkalde ng 16 na taon.

Noong 1977, pinarangalan siya bilang “Outstanding Mayor and Foremost Nationalist” ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na taon bilang “Most Outstanding Metro Manila Mayor” ng Philippines Princetone Poll.

Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsik si Ferdinand E. Marcos sa pwesto noong 25 Pebrero 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution.

Di naglaon, tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Sa 24 kandidato para sa senado, si Estrada ang ika-16 kandidatong may pinakamataas na boto.

Bilang senador, bumoto siyang tapusin na ang Kasunduang baseng militar ng Estados Unidos at Pilipinas na nagresulta sa pag-alis ng mga Amerikanong servicemen sa Clark Air Base sa Pampanga at Subic Naval Base sa Zambales.

Naging malaking tulong sa pagkapanalo niya bilang Bise Presidente ang kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Pangalawang Panguluhan noong 1992. Siya ay nagwaging pangalawang pangulo ngunit ang kanyang running mate na si Danding Cojuangco ay natalo sa pagkapangulo laban kay Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.

Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP) bilang ika-13 Pangulo ng Republika ng Pilipinas at nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% nang lahat ng boto. Ang kanyang islogan sa kanyang panganampanya ang “Erap Para sa Mahirap”.

Noong 1998, sinubukan ni Pangulong Estrada na ipagpatuloy ang reporma ng nakaraang Pangulong si Fidel Ramos. Sa ilalim ng pamumuno ni Estrada mula 1998 hanggang 2000, ang aberaheng paglago ng GDP ay 2.9%. Ang administrasyong Estrada ay inakusahan ng cronyism, korupsiyon at inkompetensiya na nagdulot ng kawalang pagtitiwala ng mga imbestor na dayuhan.

Ito ay karagdagang napinsala nang sa kanyang ikalawang taon, si Estrada ay inakusahan ng paggamit ng impluwensiya niya sa imbestigasyon ng isang kaibigang nasangkot sa pagmamanipula ng stock market. Ang mga kaguluhan gaya ng mga pambobomba, mga pagdukot, mga klima at iba pa ay nag-ambag sa mga problema sa ekonomiya.

Noong Oktubre 2000, ibinunyag ng malapit na kaibigan ni Estrada na si Chavit Singson, na kanyang personal na ibinigay kay Pangulong Estrada ang P400 milyong kabayaran para sa jueteng gayundin ang P180 milyon mula sa subsidiya ng presyo ng pamahalaan para sa kooperatibang marketing ng mga magsasaka ng tabako. Ito ay humantong sa paghahain ng impeachment laban kay Estrada noong 13 Nobyembre 2000.

Si Estrada ay dinakip noong 25 Abril 2001 sa kanyang bahay sa San Juan sa kaso ng pandarambong na inihain sa kanya ng Sandiganbayan. Sa pagkaalaam ng mga tagasuporta ni Estrada ng pagdakip na ito, sila ay tumungo sa EDSA na humihiling sa kanyang pagpapalaya at pagbabalik sa pagkapangulo.

Noong 7 Setyembre 2007, ang korteng anti-korupsiyon ng Sandiganbayan na pinangunahan ni Teresita De Castro ay naghayag na ang korte ay magpopromulga ng isang hatol sa Setyembre 12 Setyembre 2007 para sa 6 na taong paglilitis sa mga kasong pandarambong kay Estrada.

Noong 2010, si Estrada ay tumakbo sa halalan ng pagka-Pangulo at nagkamit ng ikalawang pinakamataas na boto na 9,487,837 o 26.25% ng kabuuang boto. Bago ng halalan, naghain ng magkakahiwalay na mga petisyon ang mga abogadong sina Ely Pamatong, Evelio Formento at Mary Lou Estrada na naghahangad na idiskwalipika si Estrada sa halalan ngunit ibinasura ng COMELEC “dahil sa kawalan ng merito”. Ayon sa mga petisyon, si Estrada ay pinagbabawalan tumakbo sa halalan ng pagkapangulo dahil sa pagbabawal ng Saligang Batas ng Pilipinas sa mga dating pangulo na muling tumakbo sa halalan ng pagkapangulo.

Si Estrada ay tumakbo at nagwagi sa halalang pagka-alkalde o mayor ng Maynila laban sa nakaupong Alkaldeng si Alfredo Lim noong 13 Mayo 2013. Siya ay nagkamit ng 343,993 boto laban sa 308,544 boto ni Lim. Bago ng halalan, naghain ang abogado ni Lim na si Alicia Risos-Vidal ng petisyon na naghahangad idiskwalipika si Estrada sa pagtakbo sa halalan dahil sa kanyang kombiksiyon sa kaso ng pandarambong at parusang habang buhay na pagkabilanggo at dahil ang pagpapatawad ni Gloria Macapagal-Arroyo kay Estrada ay hindi nagbabalik ng kanyang mga karapatan sa muling pagtakbo sa pampublikong opisina. Ang petisyon ay ibinasura ng COMELEC.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here