Ika-12 Pangulo ng Pilipinas | Fidel V. Ramos

Si Fidel V. Ramos ang naitalagang mamuno bilang ika-12 Pangulo ng Republika ng Pilipinas magmula 1992 hanggang 1998. Bago maging Pangulo siya ay inatasan ni dating Pangulo Ferdinand Marcos na maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972.

  • Ika-12 Pangulo ng Pilipinas

Fidel V. Ramos

Fidel V. Ramos
Photo from: Wikipedia

Isinilang si Fidel Valdez Ramos noong 18 Marso 1928 bayan ng Lingayen, Pangasinan. Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng masteral ng Civil Engineering sa University of Illinois at Masters in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila.

Sa ilalim ni Ferdinand Marcos na ikalawang pinsan ni Ramos. Si Ramos ang namuno sa Philippine Constabulary o PC na sa panahong ito ay ang pangunahing serbisyo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na nagsisilbing pambansang kapulisan noong 1972 nang ipataw ni Marcos ang Martial Law. Ito sumusugpo sa komunismo at mga kaguluhan sa bansa.

Basahin: Buwan ng Wika

Sinasabing si Ramos bilang chief ng PC at isa sa mga nagpapatupad ng Martial Law ay responsable sa pagdakip ng mga kalabang pampolitika ni Marcos, mga aktibista, mga nagpoprotesta, mga komunista at mediang bumabatikos kay Marcos. Gayunpaman, sinasabing siniguro ni Ramos na mapoprotektahan ang mga karapatan ng mga nabilanggo sa ilalim ng Martial Law.

Naging kandidato si Ramos bilang bagong Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong 1981 ngunit pinili ni Marcos si Fabian Ver na maging chief of staff nito. Si Ramos ay hinirang na vice-chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong 1982. Si Ramos ay naging acting chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong 1985 ngunit si Fabian Ver ay muling ibinalik bilang chief of staff matapos na mapawalang sala ito sa kaso ng pagpatay kay Ninoy Aquino.

Sa ilalim Marcos, siya ay inatasan na maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at panagalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981. Sa ilalim ni Corazon Aquino, siya ay nagsilbing chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at kalaunang Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol.

Si Ramos ay tumakbo at nagwagi sa halalan ng pagkapangulo. Siya ay nahalal na Pangulo ng Pilipinas noong 1992.

Ipinatupad ni Pangulong Fidel Ramos ang inatas ng IMF-World Bank na programang repormang tinatawag na “Philippines 2000” na naglalayong baguhin ang ekonomiyang batay sa agrarian tungo sa isang industriyal na pinapatakbo ng pamilihan. Sa ilalim ng pamumuno ni Ramos mula 1992 hanggang 1998, ang aberaheng paglago ng GDP ay 3.1 %.

Ang implasyon ay bumagsak sa 5.9% mula sa 9.1 porsiyento noong 1995. Ang Krisis Pinansiyal sa Silangang Asya noong 1997 ay muling nagpabagal ng pag-unlad ng Pilipinas. Ang deficit ng Pilipinas noong 1998 ay umabot ng P49.981 bilyong mula sa surplus na P1.564 bilyon noong 1997. Ang piso ay bumagsak sa P40.89 kada dolyar mula P29.47 kada dolyar.

Basahin din: Huseng Batute
Mga Pangulo ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...