Ika-11 Pangulo ng Pilipinas | Corazon Aquino

Si Corazon Aquino ang nahalal bilang ika-11 Pangulo ng Pilipinas at tinaguriang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas.

  • Ika-11 na Pangulo ng Pilipinas

Corazon Aquino

Corazon Aquino
Photo from: Wikipedia

Si María Corazon “Cory” Sumulong Cojuangco-Aquino ay isinilang noong 25 Enero 1933 sa bayan ng Paniqui, Tarlac. Siya ay nagtapos sa St. Scholastica’s College sa Manila sa kanyang elemetaryang edukasyon at lumipat sa Assumption Convent sa unang taon ng mataas na paaralan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang kolehiyo dito.

Basahin: Rebolusyong EDSA

Siya ay nag-aral ng isang taon. Pinakasalan niya si Sen. Ninoy Aquino na anak ng dating Ispiker na si Benigno S. Aquino, Jr. Sila ay nagkaroon ng limang anak: María Elena, Aurora Corazón, Benigno Simeon III, Victoria Elisa at Kristina Bernadette.

Ang kanyang asawang si Ninoy Aquino ay kasapi ng Partido Liberal at naging pinakabatang gobernador sa bansa at kalaunang pinakabatang senador sa Senado ng Pilipinas noong 1967. Si Corazon ay nanatiling isang may bahay sa buong karera sa politika ng kanyang asawa.

Si Ninoy ay naging isang nangungunang kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Si Ninoy ay pinaniniwalang malakas na kandidato laban kay Marcos sa halalan ng pagkapangulo noong 1973. Dahil ipinagbabawal sa Saligang batas ng Pilipinas ang ikatlong termino para kay Marcos, nagdeklara ng Martial Law sa Marcos noong 21 Setyembre 1972 at binuwag ang Saligang Batas ng 1935 na nagpatagal sa kanyang pagluklok sa pagkapangulo.

Dahil sa Martial Law, isa si Ninoy sa mga bumabatikos na ipinabilanggo ni Marcos at hinatulan ng kamatayan. Noong 1978, nagpasyang tumakbo si Ninoy sa 1978 halalan ng Batasang Pambansa. Noong 1980, dahil sa pamamagitan ni Pangulong Jimmy Carter ng Estados Unidos, pinayagan ni Marcos si Ninoy na tumungo sa Estados Unidos kung saan siya nagpagamot para sa kanyang karamdaman sa puso habang nasa bilangguan. Ang pamilya Aquino ay tumira sa Boston. Noong 21 Agosto 1983, nagpasya si Ninoy na bumalik sa Pilipinas nang hindi kasama ang kanyang pamilya.

Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino noong 1983 ang kalaunang naging katalista na humantong sa pagpapatalsik kay Marcos. Ang partidong oposisyon ang sumisi kay Marcos ngunit ang iba ay sumisi sa militar at kay Imelda Marcos. Noong 21 Agosto 1983 pagkatapos ng isang tatlong taong pagkakatapon sa Estados Unidos, si Ninoy ay pinaslang habang bumababa sa isang pangkalakalan na paglipad sa Manila International Airport na kalaunang pinangalanang Ninoy Aquino International Airport bilang pagpaparangal kay Ninoy.

Sa pagluklok ni Corazon Aquino bilang pangulo, agad niyang tinugunan ang utang pandayuhang 28 bilyong dolyar na nalikom ng nakaraang pangulong si Ferdinand Marcos na masamang dumungis sa katayuang internasyonal na kredito ng Pilipinas. Binayaran ng administrasyong Aquino ang 4 bilyong dolyar ng 28 bilyong utang ng Pilipinas sa dayuhan ngunit humiram rin ang administrasyong Aquino ng 9 bilyon na nagpataas ng utang ng Pilipinas ng 5 bilyong dolyar.

Sa ilalim ng pamumuno ni Aquino mula 1986 hanggang 1992, ang aberaheng (average) paglago ng GDP ay 3.4%. Noong 1989, ang administrasyong Aquino ay pinautang ng IMF ng 1.3 bilyong dolyar sa kondisyong ang liberasyon ng ekonomiya ay ipagpapatuloy nito at pagsasapribado ng mga pribadong industriyang ginawang pag-aari ng pamahalaan ni Marcos.

Basahin din: Araw ng mga Pambansang Bayani

Ang ekonomiya ay lumago ng 3.4% sa kanyang unang taon sa opisina ngunit ang pagtatangkang coup noong 1989 ay nagsanhi ng pagtigil ng paglago nito. Ang paglago ng ekonomiya ay may aberaheng paglago na 3.4% sa buong anim na taon ng pamumuno ni Aquino. Ang mga 50% ng populasyon ay nasa sa ilalim ng linya ng kahirapan na sinasabing pagbuti mula 1985 nang ang halos 60% ay nasa ilalim ng kahirapan.

Hindi rin nalutas ang pagiging hindi pantay ng sahod ng mamamayan. Sa huling taon ni Aquino, ang implasyon ay nasa 17% at ang kawalang trabaho ay 10%. Sinikap ni Aquino na kalasin ang mga cartel, mga monopolyo at mga oligopolyo ng mga industriya na itinatag ng mga crony ni Marcos lalo na sa mga industriyang buko at asukal.

Ang mga karatig na bansa ay lumago mula sa mga pamumuhanang ito samantalang ang Pilipinas ay nanatiling matamlay. Sinasabing ang Pilipinas ay nalampasan ng mga pamumuhunang pandayuhan dahil sa kawalang katiyakan ng politika sa Pilipinas gayundin sa mga naglilimitang mga regulasyon ng pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa pamumuhunang pandayuhan. Sa ilalim ni Aquino, ang mga sistema ng korupsiyon ng nakaraang administrasyon ni Ferdinand Marcos ay hindi rin nasugpo at ang cronyismo, padrino at paboritismo ay nananatiling nasa lugar.

Noong 24 Marso 2008, napabalita na mayroong kanser sa kolon, isang sakit sa bituka, ang dating pangulo. Siya ay namatay noong 1 Agosto 2009 sa Makati Medical Center sa Makati dahil sa sakit na ito sa edad na 76.

Basahin din: Julian Felipe
Mga Pangulo ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...