Iglesia ni Cristo

Ang Iglesia ni Cristo ay isang relihiyong Kristyano na nagmula sa Pilipinas sa pangunguna ni Felix Manalo, ang kinilalang sugo ng Diyos sa mga huling araw.

Si Felix Manalo ang unang tagapamahalang pangkalahatan at nagtatag ng INC noong ika-27 ng Hulyo taong 1914.

Itinuturing ng mga kasapi ng samahang ito na sila ang tunay na simbahan na itinatag ni Hesukristo. Sa doktrina ng Iglesia ni Cristo, si Cristo ang nagtatag ng unang Iglesia at si Felix Manalo ang huling mensahero na isinugo ng Diyos upang muling buhayin ang Iglesia.

Basahin: Sampung Utos ng Diyos

Sinasabi na si Felix Manalo ay nagpalipat-lipat sa iba’t-ibang relihiyon para matukoy ang katotohanan. Dahil sa ginawa niyang ito, nakita niya ang kakulangan ng bawat isa.

Dumating sa punto na nagkulong siya sa kaniyang kwarto ng tatlong araw dala ang Bibliya. Nang lumabas siya ay baon na niya ang mga turo ng Iglesia ni Cristo.

Bilang punong ministro, itinayo ni Manalo ang INC sa Punta, Santa Ana, Maynila. Ang simbahang ito ay kilala dahil sa kakaiba nitong disenyo. Batay ito sa modernong gotiko at patusok ang bubong, tore ng mga kapilya at gusali nito.

Basahin din: Sekularisasyon

Gayunman, sumasamba ang mga kasapi ng samahang ito dalawang beses sa isang linggo. Pinaniniwalaan din na nasa pagitan ng tatlo o hanggang sampung milyong tao na ang miyembro ng relihiyong itinatag ni Manalo.

Ang mga kasaping hindi sumusunod sa mga doktrinang itinuturo ng INC ay pinagsasabihan. Kapag nagpatuloy naman ang paglabag sa kautusan, sila ay hahantong sa pagtitiwalag sa samahan.

Basahin din: Dinagyang Festival
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...