Iglesia Filipina Independiente

Ang Iglesia Filipina Independiente ay isang denominasyon ng pananampalataya o paniniwala na may kahalintulad sa tradisyon ng Romano Katoliko.

Ang pagtatag ng isang simbahang Pilipino at hiwalay sa kapangyarihan ng Papa sa Roma ay isa sa bunga ng Himagsikang Filipino at bisa ng naunang kampanya para sa sekularisasyon sa panahon ni Padre Jose Burgos.

Hinirang ni Heneral Emilio Aguinaldo si Padre Gregorio Aglipay—ang naging Pangulo ng Iglesia Filipina Independiente ng kapariang Pilipino at sa kabila ng pagtutulol ng noo’y Arsobispo na si Bernardino Nozaleda ng Simbahang Katolika.

Basahin: Iglesia Ni Cristo

Noong ika-23 ng Oktubre taong 1899, nagpatawag ng kumbensiyon ng mga pari si Aglipay upang organisahin sila bilang pambansang simbahan ng Pilipinas.

Subalit hindi ito nagtagal dahil sa pagkatalo ng hukbong rebolusyonaryo sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Gayunpaman, ipinagpatuloy pa rin ni Aglipay ang kampanya sa kabila ng kawalan ng taguyod nito mula sa mga Amerikano.

Ipinanganak ang Iglesia Filipina Independiente sa isang pulong sa Maynila noong ika-3 ng Agosto taong 1901 na ipinatawag ng tagapagtatag na si Isabelo de los Reyes.

Naganap ang paghiwalay sa Roma at si Aglipay ang nahalal bilang Obispo Supremo. Kaya tinawag din itong Simbahang Aglipay. Noong Setyembre 1902, nagsimulang manungkulan ang mga paring PIlipino ng IFI at noong ika-18 ng Enero taong 1903 ay opisyal na kinilala si Aglipay bilang Obispo Supremo ng mga natalagang Obispo sa Maynila, Nueva Ecija, Cavite, Cagayan, Isabela, Pangasinan, at Abra.

Halos kahalintulad ito ng Simbahang Katolika ngunit hindi kumikilala sa awtoridad ng Papa.

Basahin din: Sampung Utos ng Diyos
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...