Ibong Adarna

Ang Ibong Adarna ay isang koridong tagalog na isinulat ni Jose Dela Cruz o mas kilala bilang Huseng Sisiw. Halaw ito sa isang lumang Europeong alamat.

Kasaysayan

Ang ibong adarna ay isang halimbawa ng korido, ito ay ang tulang pasalaysay na ang bawat taludtod ay may sukat at tugma.

Ang buong pamagat nitong alamat ay “Korido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak ng Haring Fernando at ng Reyna Valeriana sa Kahariang Berbania”.

Ito ay isang akda na umiikot sa pananampalataya, alamat at kababalaghan. Ang sukat nito ay aapating taludtod sa bawat saknong at wawaluhing pantig bawat taludtod.

Isahan ang tugma nito, ito ay isa ring uri ng tulasinta o metrical romance sa Ingles. Binubuo ito ng 1,034 saknong.

Ang kasaysayan ng alamat na ito ay maaaring hango sa mga kwentong-bayan ng iba’t-ibang bansa tulad ng Alemanya, Denmark, Romania, Austria, Finland, Indonesia, at iba pa.

Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan ito ng mga estudyanteng nasa ika-pitong baitang sa sekundarya alinsunod sa kurikulum ng Komisyon sa mas mataas na Edukasyon.

Basahin: Buod ng Ibong Adarna

Mga Tauhan

  • Don Pedro
  • Don Juan
  • Don Diego
  • Haring Fernando
  • Reyna Valeriana
  • Ibong Adarna
  • Prinsesa Leonora
  • Prinsesa Maria Blanca
  • Prinsesa Juana
  • Haring Salermo
  • Leproso

Iba pang mga tauhan

  • Manggagamot
  • Higante
  • Serpyente
  • Lobo
  • Agila
  • Arsobispo
  • Unang Ermitanyo
  • Ikalawa at Ikatlong Ermitanyo

Tingnan din: Florante at Laura
Panitikan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...