Huseng Sisiw

Si Jose de la Cruz o mas kilala sa bansag na Huseng Sisiw ay ang binigyang karangalang “Hari ng mga Makata sa katagalugan”.

Siya ay isinilang sa Tondo, Maynila noong ika-20 ng Disyembre taong 1746. Hindi man siya nakapag-aral ngunit sa sariling sikap ay natuto ng Katon at Cartilla, Doctrina Cristiana, Pilosopiya at Teolohiya.

Kinilala siya sa kaniyang husay sa pagsulat ng mga tula kaya marami ang nagpapaturo sa kaniya ng pagtutugma ng mga salita.

Ikinapit sa kaniya ang bansag na Huseng Sisiw dahil kung may nagpapagawa sa kaniya ng patulang liham ng pag-ibig, ang hinihingi niyang kabayaran ay ang sisiw.

Siya rin ang guro ni Francisco Balagtas sa pagtula. Isa rin ang kaniyang pangalan sa tatlong pangalang kakabit ng Korido sa kasaysayan ng panitikan. Ang dalawa niynang mga kasama ay sina Francisco Balagtas at Ananias Zorilla.

Mula naman sa kaniyang panulat ang mga Koridong Clarito, Adela at Florante, Flora at Clavela, Doce Pares de Francia, Rodrigo de Villas, at ang popular na Historia Famoso de Bernardo Carpio.

Siya rin ay naging tagapagsuri ng mga komedya at dula na itinatanghal sa Teatro de Tondo na pagmamay-ari ni G. Domingo Celis.

Ang alinmang komedya o dula na kaniyang subalian ay hindi na magtatanghal doon, ang kaniyang pasiya at walang tutol at ginagalang.

Basahin din: Panitikan ng Pilipinas
Mga Anyo ng Tula

ADVERTISEMENT
loading...