Huseng Batute

Si Jose Corazon de Jesus o mas kilala sa bansag na Huseng Batute ay isang makatang Pilipino na sumulat ng mga tula sa Tagalog upang maipahayag ang kalayaan.

Talambuhay

Siya ay ipinanganak sa Sta. Cruz, Manila noong ika-22 ng Nobyembre taong 1896 na anak nina Vicente de Jesus at Susana Cruz. Tinawag rin siyang “Pepito” noong kaniyang kapanahunan.

Lumaki si Huseng Batute sa bayan ng kaniyang ama sa Sta. Maria, Bulacan. Siya ay nakapag-aral sa nasirang Liceo de Manila kung saan siya ay nakapagtapos noong 1915.

Ang kaniyang unang nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa nasirang Ang Mithi noong siya ay 17 taong gulang pa lamang.

Mahigit 4,000 na tula ang kaniyang naisulat sa kaniyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat din siya ng mga 800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting.

Paborito niyang pangalang-pluma ang Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang, Tubig Lily, at Pag-ibig.

Noong ika-28 ng Marso taong 1924, si Huseng Batute ay isa sa mga pangunahing manunulat sa Tagalog na nagpulong sa Instituto de Mujeres sa Tondo, Manila.

Pinag-usapan nila ang pagdiriwang ng kaarawan ng makatang Tagalog na si Francisco Balagtas sa ika-2 araw ng Abril.

Ang pagpupulong ay tinawag pinamunuan ng manunulat na si Rosa Sevilla, naging matagumpay ang balagtasan at binansagan itong balagtasan para kay Balagtas.

Sumikat ng lubusan ang balagtasan at ito ay naging karaniwang palabas sa mga pinakamalaki at pinakamahal na teatro sa Maynila hanggang noong dekada ng 1950.

Sikat na si De Jesus bilang si Huseng Batute sa buong Pilipinas noong inanyayahan siyang umarte sa pelikulang Oriental Blood.

Ngunit nagkasakit si De Jesus habang ginagawa ang pelikula at lumala ang kaniyang sakit hanggang siya ay mamatay noong ika-26 ng Mayo taong 1932.

Nang siya ay mamatay, binigay ng pamilya niya ang kaniyang puso sa isang museo ng pamahalaan kung saan ito itinago hanggang ilibing ito sa libingan ng kaniyang ina.

Inilibing siya sa ilalim ng dagat sa Visayas, alinsunod sa kagustuhan niyang nakatala sa kaniyang mga tulang Isang Malalim na Dagat at Ang Visayas.

Basahin din: Talambuhay ni Huseng Sisiw
Panitikan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...