Halo Halo

Ang halo halo o haluhalo ay isang tanyag na pagkaing pangmeryenda sa Pilipinas, na may pinagsama-samang mga prutas, ginadgad na yelo at gatas.

Walang natatanging resipi para sa meryendang ito, at may malawak na kaurian ang mga sahog na ginagamit. Nagbabago-bago ang pagkakasunod-sunod na paglalagay ng mga sangkap.

Kabilang sa mga pangunahing sahog ang mga pinakuluang pulang munggo, karaniwang munggo na kahugis ng bato ng tao, garbansos, kaong, kinayod na buko o makapuno, at saging na sabang nilagyan ng arnibal.

Basahin: Balut

Maaari rin itong sahugan ng langka, kaymito, sago, nata de coco, ube, kamote, minatamis na mais, pinipig, leche flan, sorbetes, gulamat, at pili.

Pangkaraniwan nang ginagamit ang gatas na kondensada o gatas na ebaporada sa halip na sariwang gatas na nagmumula pa sa baka, dahil na rin sa klimang pantropiko ng Pilipinas.

Sa paghahanda, karamihan sa mga sangkap ay ang unang inilalagay sa loob ng isang mataas na baso, na susundan ng ginadgad na yelo. Pagkatapos ay bubudburan naman ito ng asukal at papatungan ng leche flan, uba halaya, o sorbetes.

Bubuhusan ng gatas na kondensada ang halo halo bilang panapos sa paghahanda bago ito ihain. Pinakikita ng meryendang ito ang pagsasanib ng Kanluranin at Hilaga sa kalinangan ng mga Pilipino, na ang mga ginagamit na sahog ay nagmula sa malawak na mga impluwensiya.

Basahin din: Kadayawan Festival
Pambansang Sagisag ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...