Halalan

Ang halalan ay isang pormal na proseso ng pagpapasiya kung saan ang mga mamamayan ng bansa ay pumipili ng indibidwal na hahawak sa publikong opisina.

Ang boto ay isang pormal na pagpapahayag ng pagsang-ayon, pagpasiya, o hatol sa pamamagitan ng balota, pagtataas ng kamay.

Tulad ng halalan sa panahon ng Español, limitado ang pakikilahok ng kalalakihang edukado at may ari-arian sa eleksiyon. Nilalahukan lamang ito ng mga principales at sila rin lamang ang maaaring tumakbo bilang gobernadorcillo.

Di naglaon ay ipinakilala ng mga Amerikano ang pagbuo ng partidong politikal at halalan para sa mahahalagang posisyon sa pamahalaan.

Basahin: Araw ng Paggawa

Naganap ang unang pambansang eleksiyon noong Setyembre taong 1935 at naging unang halal na pangulo si Manuel L. Quezon. Sa panahong ito, pinalawak ang pakikilahok sa eleksiyon—Abril 1937 nang iginawad sa kababaihan ang karapatang bumoto.

Sinasabing ang halalan noong 1949 ang simula ng isang maduming eleksiyon dahil sa pagmamanipula at pagbili ng mga boto habang ang eleksiyon noong 1961 ang naging pinakamagastos.

Nang magdeklara ng Batas Militar noong 1972, nasuspinde ang eleksiyon sa bansa at muli lamang itong ibinalik noong 1981.

Kilala rin bilang snap election ang naganap na halalan noong 1986 nang maagang magpatawag si Ferdinand Marcos ng eleksiyon dahil sa kaguluhang panlipunan na dulot ng kritisismo ng mga tao sa kaniyang lehitimidad.

Sa kasalukuyan, ang eleksiyon ay ipinatutupad alinsunod sa Konstitusyong 1987 at ng Omnibus Election Code. Ayon dito, walang pamantayang nakapagdudulot ng diskriminasyon gaya ng edukasyon, ari-arian, at iba pa na maglilimita sa karapatang bumoto.

Naging automated na rin ang eleksiyon sa Pilipinas noong 2010. Ang Comelec o Commission on Election at National Citizens ‘Movement for Free Elections (NAMFREL), ang mga organisasyong nangangasiwa para sa isang malaya at malinis na halalan.

Basahin din: Ilustrado
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...