Haja Amina Appi

Si Haja Amina Appi ay kilala dahil sa kaniyang kahusayan sa paglalala ng makukulay na banig ng Sama. Siya ay nakatira sa Ungos Matata, Tandabas, Tawi-tawi.

Binigyang pugay ang kaniyang kahusayan sa paglalala at pinagkalooban ng Gawan Manlilikha ng Bayan noong 2005. Tinataglay ng kaniyang mga likhang banig ang komplikadong heometrikong padron na nagpapamalas ng kaniyang kagalingan sa disenyo, proporsiyon, simetriya, at sensitibidad sa kulay.

Basahin: Pedro Calungsod

Ang sining ng paglalala ng banig ay itinuturo ng kababaihang Sama sa kanilang mga anak na babae. Isinasagawa ng mga babae ang mga proseso mula sa pag-aani ng pandan hanggang sa aktuwal na pagdidisenyo.

Sa paglalala ng banig, matagal at komplikado ito kung gagawin dahil kailangan ng isang manggagawa na magtiyaga at sigla ng katawan. Bukod pa rito, kailangan din dapat marunong silang magtugma ng kulay, mapunahin sa mga detalye, at mahusay sa matematika.

Natatangi ang mga likha ni Haja Amina Appi dahil bagaman pinananatili niya ang tradisyonal na paggawa sa mga ito, hindi siya na nangingiming samahan ito ng kaniyang higit na modernong mga disenyo.

Silipin din: Cagsawa

Makikiya ito sa banig na ang gitnang bahagi ay nagtataglay ng hanggang walong kulay at tila pinoprotektahan ng animo’y balangkas na walang disenyo sa mga gilid.

Nagtatagal ng halos tatlong buwan ang paggawa ng mga obrang ito. Dahilan din ito ng pagkapal ng kalyo sa mga kamay ni Haja Amina Appi dahil sa matagal na panahon na niya itong ginagawa.

Sa kabila nito, ibayong paggalang pa rin ang ipinapakita ng kaniyang komunidad hindi lamang dahil sa natatangi niyang disenyo, katuwiran ng kaniyang mga tabig, at kapinuhan ng kaniyang sasa at kima-kima kundi dahil sa mga itinuro niya sa kanila.

Basahin din: Teodoro Agoncillo
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...