Graciano Lopez Jaena

Si Graciano Lopez Jaena ay isang Pilipinong manunulat, rebolusyonaryo, at isang bayani mula sa lalawigan ng Iloilo, binansagan ding Prinsipe ng mga Orator.

Kasapi si Graciano sa isang kilusan na tinawag nilang Kilusang Propaganda at nakilala sa kaniyang pahayagang La Solidaridad.

Si Graciano Lopez Jaena ay ipinanganak noong ika-18 ng Disyembre taong 1856 sa lalawigan ng Jaro, Iloilo.

Nakilala rin siya sa kaniyang akdang Fray Botod. Ang salitang “Botod” ay hinango sa dayalektong Hiligaynon na ang kahulugan ay “kabag” at katumbas din ito ng balbal na “tabatsoy”.

Sa mga akda niyang nailathala, ay isiniwalat niya ang mga pagmamalabis ng mga prayleng Espanyol tulad ng La Hija del Fraile. Nagalit ang mga prayle at ipinadakip siya dahil sa kaniyang pagsisiwalat sa mga akdang patungkol sa mga prayle.

Basahin: Mi Ultimo Adios

Tumakas siya patungong España noong 1879 at naging masigasig sa Kilusang Propaganda. Sa kilusang ito siya sumikat bilang isa sa mga nangungunang orator, manunulat, at tagapagsalita ng mga repormistang Pilipino.

Isa siya sa mga nagtatag ng La Solidaridad noong 1889 at naging unang editor nito. Tinipon niya noong 1891 ang kaniyang mga akda at nilimbag bilang Discursos y Articulos Varios (Mga Talumpati at iba pang Lathalain).

Sa kasamaang palad, namatay siya sa Barcelona, España noong ika-20 ng Enero taong 1896 dahil sa sakit na tisis. Hindi na naibalik sa Pilipinas ang kaniyang mga labi.

Basahin din: Araw ng mga Pambansang Bayani
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...