Golpo

Ang Golpo ay isang malaking look na hindi ganap na napaliligiran ng dagat at may bungad itong pinapasukan o nilalabasan ng tubig sa katabing karagatan.

Karaniwan ding matatagpuan sa baybayin ng isang golpo ang mga pantalan. Bilang kapuluang may mahabang baybayin, ang Pilipinas ay may ilang pangunahing golpo: Golpong Albay na matatagpuan sa rehiyon ng Bikol; pangunahing pantalan sa Lungsod ng Legazpi; Golpong Davao naman sa rehiyon ng Davao; pangunahing pantalan sa Lungsod ng Davao; Golpong Lagonoy sa rehiyon ng Bikol; Golpong Leyte na matatagpuan sa rehiyon ng silangang kabisayaan; pangunahing pantalan sa Lungsod ng Tacloban.

Basahin: Mga Anyong Tubig

Matatagpuan din ang Golpong Lingayen sa rehiyon ng Ilocos; mga pangunahing pantalan sa mga lungsod ng Dagupan at San Fernando; Golpong Moro naman sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan; pangunahing pantalan sa Lungsod ng Iloilo; at Golpong Ragay sa gitna ng Tangway Bondoc at Tangway Bicol.

Mayroon ding hindi maituturing na golpo, ang may mas maliliit na bungad tulad ng Look ng Maynila at Look ng Subic.

Dahil sa mga pantalan at baybaying mainam daungan ng mga barko, hindi nakapagtatakang mahalaga ang mga ito sa panahon ng digmaan. Isa sa halimbawa nito ay ang pagdaong ng mga puwersang ng Amerikano sa mga golpo ng Leyte at Lingayen noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Basahin din: Mga Anyong Lupa
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...