Ginisang Monggo

Alam naman natin na kahit saan tayo pumunta ay hindi mawawala sa karinderya ang putahe na Ginisang Monggo, lalo na pag biyernes. Ngayon alamin naman natin kung paano nga ba magluto ng paboritong Ginisang Munggo na tinawag ding ” Pagkain ng mahihirap na Pilipino ”

BASAHIN : Laing | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Alam nyo ba na ang Monggo ay galing India at tinatawag din itong Vigna radiala, ang mga umuusbong na gulay dito ay tinatawag naman nating toge kung saan kilala din sa pangalang Patol. Ang monggo ay karaniwang ipinagbibiling tuyo at tinitimbang ng mga tindahan. Makikita ninyo itong maliliit na butil at luntian na kulay

Alam nyo ba na ang Ulam na ito ay minsan din itong naging paboritong kainin ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal?

BASAHIN : Taho | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Ginisang Monggo

1Tasang ng Monggo
8Tasa ng Tubig
3Kutsara ng Mantika
3Butil ng Bawang
1Buong maliit na sibuyas ( Hiwa-hiwa na )
1⁄8 Kutsarita ng Iodized Salt
1Kutsarita ng Asin
250Grams ng laman ng baboy ( Maliliit na hiwa )
1Katamtaman na ampalaya ( Maninipis na hiwa )
1Pork broth cube (Knorr cubes )
3Katamtaman na laki ( hiwain ng manipis )

BASAHIN : Paksiw | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Monggo

Una : Pakuluan ang monggo sa 3 tasang tubig hanggang lumambot. Palambutin ang monggo sa pamamagitan ng pagpirat at pagdurog ng monggo.

Pangalawa : Sa kaserola naman ay painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis, pagkatapos magisa ay isabay na ang karne ng baboy.

Pangatlo : Lagyan ng tubig at timplaha ng patis depende sa iyong panlasa. pagkatapos mag antay ng ilang minuto hanggang lumapot ang sabaw. bago ito alisin at ilagay ang ampalaya o dahon nito.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...