FUNNY JOKES

Funny Jokes lamang po lahat ito. ano man po ang inyong mababasa rito na hindi wasto ay pawang mga biro lamang kaya wag po sana masamain.

JOKE #1

TEACHER: Juan ano ang pambansang ibon ?
JUAN: Chicken po ma’am
TEACHER: Hindi! kulay brown ito
JUAN: Fried chicken ?
TEACHER: Mas maliit ito sa chicken
JUAN: ah! alam ko na “CHICKEN CUBES” ma’am?

JOKE #2

TEACHER: Okay class mag drawing kayo ng kahit anong uri ng isda
STUDENTS : Yes Ma’am
TEACHER: Karding! bakit napakagulo ng drawing mo ?
KARDING: ahm ma’am ” BAGOONG ” yan

JOKE #3

NANAY: Pedro kumain na kayo magkakapatid
PEDRO: teka! Inay sulat ako kay tatay, Dear itay thank you sa padala mo happy naman si nene sa chocolate at binaon nya sa school yung nike shoes suot na ni kuya pero sana next time po wag kana mag padala ng “MOISTURIZING MILK” mapait po kasi hindi ko malunok tay

JOKE #4

TEACHER: Ano gusto nyo paglaki ?
PETRA : Ako gusto ko maging nurse para makatulong sa kapwa
JUAN: Ako superhero para makasagip ng kapwa
TOM: Ako doctor para makagamot ng kapwa
PEDRO: ako gusto ko maging ” KAPWA ” para tiba tiba

JOKE #5

PEDRO: pare bakit di mo pala pinapatay yang lamok sa braso mo kanina pa yan ah
JUAN: inaantay ko lang mabusog para mag ka “APPENDICITIS” tsaka ko hahabulin

JOKE #6

BOSS: Juan late ka na naman daw, bakit ka na naman late ?
JUAN: Nawalan po kasi ng 500 yung lalaking nakasabay ko
BOSS: so kaya ka late kasi tinulungan mo sya mag hanap ?
JUAN: Nako hindi po! ” tinapakan ko kasi yung 500 hanggang umalis sya “

JOKE #7

MISTER: Honeeeeeeey! mag impake kana nanalo ako sa lotto
MISIS: oh talaga! aba ayos yan ah, ano nga pala mga dadalhin ko ?
MISTER: ” Wala akong pakeelam! kung anong dalhin mo basta lumayas kana “

JOKE #8

COSTUMER: Waiter bakit naman ganto may langaw aruskaldo ko ?
WAITER: Aba naman kayo sir! sa halagang ” limang piso ano inaasahan nyo manok ” ?

JOKE #9

JUAN: Alam mo pre minsan napapaisip ako bakit ganto itsura ko, panget ba ko ?
PEDRO: alam mo pare walang ginawang panget ang dyos
JUAN: sabagay tama ka dyan pare
PEDRO: kaya nga nagtataka ko ” Sino may gawa sayo “

JOKE #10

KILLER1: Pare sure ka ba na dito dadaan yung papatayin natin ?
KILLER2: oo! sure na sure ako dito dumadaan yun eh
KILLER1: mag iisang oras na tayo dito wala pa din
KILLER2: oo nga eh! pinagtataka ko bakit wala pa ” nag-aalala tuloy ako baka may masamang nangyare sakanya”

JOKE #11

JUAN: Pedro ganda naman nyang rolex mo
PEDRO: ah ito ba? napanalunan ko to sa karera sa may kanto
JUAN: oh talaga? aba ilan naman kayong kumarera?
PERO: Tatlo lang ” ako yung pulis tsaka yung may-ari “

JOKE #12

COSTUMER: waiter ano ba naman tong stake nyo napakatigas ang hirap manguya
WAITER: Talaga ba sir ? patingin nga po
COSTUMER: oh eto tignan mo
WAITER: Teka sir tikman ko nga
( matapos isubo ang parte ng stake at nguyain )
WAITER: Malambot naman pala sir ah!
COSTUMER: Loko ka pala eh panong di lalambot yan ” tatlong minuto ko na nginunguya yang sinubo mo “

JOKE #13

( May isang chinese na naghahanap ng taxi )
PASAHERO: Mamang taxi driver ako sakay!
DRIVER: San ka po ba pupunta?
PASAHERO: Magkano ba pag punta sa makati?
DRIVER: Kayo lang po ba mag-isa?
PASAHERO: ” Bakit di ka ba sasama ? ”

JOKE #14

TEACHER: Pedro magbigay ka ng halimbawa ng pangungusap na may tayutay
PEDRO: Nakita ko ang tatay ko na nadapa
TEACHER: asan ang tayutay dyan ?
PEDRO: Kasi nung nakita ko sya na nadapa Ma’am ang sabi ko ” TAYUTAY ”

JOKE #15

PEDRO: Juan hulaan mo kung anong A na ugali meron ako
JUAN: ahm! approachable pare ?
PEDRO: Hindiiii!
JUAN: Amiable ?
PEDRO: Hindiiiii rin!
JUAN: eh ano ?
PEDRO: ” ANEST ( HONEST ) ”

Kung hindi lang Funny jokes ang hanap mo at naghahanap ka pa ng iba katulad ng Mga anyo ng Tula maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga anyo ng tula )

JOKE #16

TEACHER: karding kung ang H2O ay water, ano naman ang CO2?
KARDING: Ma’am ” COLD WATER ”

JOKE #17

PEDRO: alam mo pre iniisip ko bakit ba hindi ka nagbibisyo, minsan try mo naman subukan
JUAN: naku ayoko pare!
PEDRO: alam mo sa ginagawa mo balang araw mawawalan ka ng kaibigan
JUAN: Oh! bakit naman
PEDRO: kasi wala kang bisyo darating araw ” patay na kami ikaw buhay ka pa “

JOKE#18

MISIS: Hon am I pretty or ugly ?
MISTER: Hmmm! i think both
MISIS: what do you mean hon ?
MISTER: ang ibig ko sabihin your ” PRETTY UGLY “

JOKE #19

TEACHER: Pedro 3 + 1 ?
PEDRO : Ma’am 4
TEACHER: Juan 1 + 3?
JUAN: Yan na naman tayo sainyo ma’am eh
TEACHER: Ang alin Juan ?
JUAN: ” Pag mahirap tanong ako lagi tinatawag nyo “

JOKE #20

PEDRO: Pare dito muna ko magpapalipas ng gabi sainyo nag away kami ng Misis ko eh
JUAN: Oh sige tuloy ka, ano ba pinag awayan nyo pare?
PEDRO: Kasi yung misis ko humingi sakin ng regalo tapos sabi nya kahit ano daw basta may diamond
JUAN: oh ano naman ba kasi binigay mo ?
PEDRO: ” BARAHA ”

Tapos kana bang basahin yung mga Funny Jokes na ito ? kung bitin ka wag kang mag alala maaring pindutin lamang ang link na ito para sa mas marami pang jokes ( Pinoy Jokes )

ADVERTISEMENT
loading...