Francisco Santiago

Si Francisco Santiago ay isang Pilipinong kompositor, musikero ng walang kamatayang awiting Pakiusap. Tinatawag din siya bilang Ama ng Kundiman.

Isinilang si Francisco Santiago noong ika-29 ng Enero taong 1889 sa bayan ng Santa Maria, Bulacan, Pilipinas.

Namana ni Francisco sa kaniyang mga magulang ang angking husay niya sa musika. Noong 1908, nailathala niya ang kaniyang pinakaunang komposisyon na pinamagatang Purita na isang awiting handog sa unang Reyna ng Karnabal na si Pura Villanueva.

Basahin: Jose Maceda

Kabilang din si Francisco Santiago sa Tatlong Haligi ng Musikang Filipino na kinabibilangan din nina Nicanor Abelardo at Antonio Molina.

Isa sa pinakatampok niyang likha ay ang awiting pinamagatang Anak Dalita na kasalukuyan paring inaawit ng mga mang-aawit tulad ni Elsa Oria, Sylvia la Torre, Celeste Legaspi, at marami pang iba.

Sa murang edad niya na 7 taon, si Francisco ay tinuruan ng kaniyang tiyuhing may malalim na kaalaman sa solfeggio.

Gayunpaman, tutol ang kaniyang mga magulang na siya ay maging isang musikero ngunit nang mamatay ang kaniyang ama, ipinagpatuloy niya ang hilig sa musika.

Basahin din: Mga Instrumentong Musikal sa Pilipinas

Kalaunan ay nakilala siya bilang isang batang mahusay umawit sa paaralan at simbahan. Sa pagpapatuloy ng kaniyang pagmamahal sa musika, isinulat niya ang mga kundiman na pinamagatang Sakali Man, Hibik ng Pilipinas, Pakiusap, Ang Pag-ibig, Suyuan, Alaala Kita, Ikaw at Ako, at marami pang iba.

Noong ika-25 ng Mayo taong 1946, si Francisco Santiago ay naging Propesor sa piyano ng Pamantasan ng Pilipinas.

Nang lumipas ang taon, ika-30 anibersaryo ng Konserbatory ng Musika ng Pamantasan ng Pilipinas, si Francisco Santiago ay inatake sa puso at pumanaw noong ika-28 ng Setyembre taong 1947.

Basahin din: Liwayway Arceo
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...