Francisco Arcellana

Si Francisco Arcellana ay isang Pilipinong manunulat ng maikling kwento at sanaysay, isa rin siyang kritiko, peryodista at naging guro.

Ipinanganak siya noong ika-6 ng Setyembre taong 1916 sa Sta. Cruz Maynila. Nakapag-aral siya at nagtapos ng Batsilyer sa Pilosopiya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1939.

Bilang isang guro, nagsilbi si Francisco Arcellana sa UP Department of English and Comparative Literature, mula 1979 hanggang 1982. Naging tagapayo rin siya ng Philippine Collegian, direktor ng UP Creative Writing Center, at nagpatuloy magturo hanggang sa siya ay magretiro.

Basahin: Antonio Molina

Kilala siya Francisco Arcellana sa kaniyang palayaw na Franz, naging isa sa mga tagapanguna sa pagsusulat ng maikling kwento sa Ingles.

Nakilala ang kahusayan ni Francisco Arcellana sa pagsusulat noong estudyante pa laman siya sa Torres High School noong 1932. Nakilala siya dahil sa pagkakalathala sa Graphic ng kaniyang kauna-unahang katha na pinamagatang The Man Who Could Be Poe.

Ang kaniya namang inilathalang Expression noong 1934, ay ang pinagmulan ng kanilang mahabang panahon ng pagsusulatan at samahan ni Jose Garcia Villa—isa ring Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan sa wikang Ingles.

Silipin din: Carlos Quirino

Kabilang sa mga kwento niyang malimit isama sa mga antolohiya ay ang pinamagatang Divide by Two, Flowers of May, at The Mats.

Hanggang ngayon ay hinahangaan siya ng maraming kritiko dahil sa masinop at disiplinado niyang paggamit ng wika, at dahil sa kaniyang pagsisikap upang mapaunlad ang sining, iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Patinikan noong 1990.

Basahin din: F Sionil Jose
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...