Ang Kutang Bonifacio o Fort Bonifacio sa wikang Ingles ay maaaring tumukoy sa pambansang Headquarters ng Philippine Army o sa Bonifacio Global City (BGC).

Ang pormal na ipinangalan dito ay Fort Andres Bonifacio, isa itong distritong pangkomersiyo at isa sa mga sentro ng kalakaran ng buong Pilipinas na matatagpuan sa Lungsod ng Taguig, Metro Manila.

Itinatag ang Fort Bonifacio ng mga Amerikano noong 1901 sa kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Una itong pinangalanang Fort McKinley bilang pagkilala sa ika-25 na pangulo ng Estados Unidos na si William McKinley.

Basahin: Liwasang Bonifacio

Pagkaraan matapos makalaya ang Pilipinas mula sa Estados Unidos noong 1946, ibinalik sa mga Pilipino ang pagmamay-ari ng kampo. Ipinangalan ito kay Gat Andres Bonifacio—ang Supremo ng Himagsikang Pilipino noong 1896.

Noong 1995, sinimulan ng Bonifacio Land Development Corporation at Bases Conversion and Development Authority ng pamahalaan na paglinangin ang Fort Bonifacio upang maging kabesera ng negosyo sa bansa.

Sa kasalukuyang panahon, marahil sa mabilis na pag-unlad ng industriya sa bansa, ay siya namang nagkakaroon ng kompetensiya sa magkabilang kabesera ng negosyo sa bansa, kinakaribal nito ang Makati Central Business District bilang sentro ng komersiyo.

Matatagpuan din dito ang ilang embahada, pambansa o rehiyonal na headquarters ng mga multinational corporation, mga naglalakihang mall, mga tahanan at condominium para sa mga mariwasa, at mga internasyonal na paaralan. Matatagpuan din sa Fort Bonifacio ang Libingan ng mga Bayani at ang Manila American Cemetery and Memorial.

Basahin din: Chinatown
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...