Florante at Laura

Ang Florante at Laura ay isang obra-maestra sa panitikang Pilipino na isinulat ni Francisco Baltazar o mas kilala bilang Francisco Balagtas.

Daglat lamang ang katawagang Florante at Laura sapagkat binigyan ito ng aktuwal at buong pamagat na:

Pinagdaanang buhay ni Florante at ni Laura sa kahariang Albanya: Kinuha sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi sa mga nangyari nang unang panahón sa imperyo ng Gresya, at tinula ng isáng matuwaín sa bersong Tagalog.

Ito ay isang mahabang tulang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga korido sa Pilipinas noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray Toribio Minguella, isang paring Rekolekto at pilologo.

Kasaysayan ng Akda

Ayon naman sa isang mananalaysay na si Epifanio de los Santos, nalimbag ang unang edisyon ng “Florante at Laura” noong 1838. Limampung-taong gulang na si Francisco Baltazar ng panahong iyon. Taong 1906, nalimbag naman ang “Kung Sino ang Kumatha ng ‘Florante’” ng dalubhasa sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victor Baltazar, anak ni Francisco Baltazar, at ng iba pang kasapi sa mag-anak ng huli.

Sinasabi rin na nagdala ng kopya ng Florante at Laura ang Pambansang Bayani na si Jose Rizal noong kapanahunan ng kaniyang mga paglalakbay sa Europa. Samantala, pinaniniwalaan na sumipi si Apolinario Mabini naman sa kopyang nalimbag noong 1870 o 1853 para malalang ang isang kopya ng aklat na nasa sarili niyang sulat-kamay.

Ginawa ito ni Mabini, habang nasa Guam noong 1901, ayon sa mungkahi ng isang kapitan ng hukbong-katihan ng Estados Unidos. Walang pahintulot na makabalik pa sa Pilipinas si Mabini noong panahong ginawa ito ni Mabini.

Basahin: Buod ng Florante at Laura

Mga Pangunahing Tauhan

  • Florante
  • Laura
  • Aladdin
  • Flreida
  • Haring Linseo
  • Sultan Ali-Adab
  • Prinsesa Floresca
  • Duke Briseo
  • Adolfo
  • Konde Sileno
  • Menalipo
  • Menandro
  • Antenor
  • Emir
  • Heneral Osmalik
  • Heneral Miramolin
  • Heneral Abu Bakr

Silipin din: Panitikan ng Pilipinas
Noli Me Tangere
El Filibusterismo

ADVERTISEMENT
loading...