Ang Pilipinas ay unang natuklasan ni Ferdinand Magellan noong ika-16 ng Marso 1521. Isang eksplorador na Portuges na naglayag para sa Espanya. Siya ang kauna-unahang nakapaglayag mula sa Europa pakanluran patungong Asya, ang unang Europeo na nakatawid ng Karagatang Pasipiko, at ang namuno ng unang ekspedisyon para sa sirkumnabegasyon ng daigdig.

  • Ang pagkakatuklas sa Pilipinas

Ang pagkakatuklas sa Pilipinas

Ferdinand Magellan
Photo from: Wikipedia

Si Ferdinand Magallanes (sa wikang kastila) o Magellan (sa wikang ingles) ay isinilang noong mga 1480 sa Vila Nova de Gaia sa bansang Portugal. Noong Marso 1505, sa edad na 25, si Magallanes ay nagpatala sa isang armadao ng mga 22 barko na ipinadala upang maghosto kay D. Francisco de Almeida bilang unang viceroy ng Portuges na India. Bagaman hindi lumitaw ang kanyang pangalan sa mga kronika, alam na nanatili siya ng mga 8 taon ng 8 taon sa Goa, Cochin at Quilon. Si Magallanes ay lumahok sa ilang mga labanan kabilang ang labanan ng Cannanore noong 1506 kung saan siya nasugatan.

Nakasama na si Magellan sa mga ekspedisyon ng tatay niya sa Aprika noong 25-taong gulang pa lang ito. Umasa na siya noon na makapagsagawa ng isang ekspedisyon papuntang India.

Katulad ni Chistopher Columbus ay naisip niya na kapag bilog ang mundo, puwedeng makapunta sa Silangan sa pamamagitan ng paglalayag papuntang Kanluran. Kaya naman pumunta siya kay Haring Emmanuel I. ng Portugal, sa pangarap na makatulong sa kanyang bansa. Tinanong niya ditong bigyan siya ng pera upang makapagsagawa ng ekspedisyon. Ngunit hindi naniwala sa kanyang plano ang hari. Sa matinding galit sa hari ay nilisan ni Magellan ang bansang sinilangan papuntang Espanya.

Dito sinubukan niyang pumunta kay Haring Carlos I. at magtanong dito. Pumayag si Carlos I. at pumirma sa Setyembre 1519. Dumaong sina Magellan kasama ang limang barko na tinatawag na Santiago, Victoria, San Antonio, Trinidad, at Concepcion at 300 katao kabilang dito si Antonio Pigafetta bilang tagapagtala.

Unang nakarating ang mga Europeo sa Pilipinas sa pagdating ng ekspedisyon ng mga EspaƱol na pinamunuan ng Portuges na si Ferdinand Magellan noong 16 Marso 1521. Pumalaot si Magallanes sa pulo ng Cebu, inangkin ito para sa Espanya, at binigyan ito ng pangalan na Islas de San Lazaro.

Magiliw siyang nakipag-ugnayan sa ilang mga lokal na datu. Nagdaos pa sila ng tradisyonal na sandugo kung saan pinalalabas ang dugo sa braso, inihahalo sa tubig o alak at iniinom nilang magkasama. Sa ganitong paraan, ang dugo ng kasama niya ay nasa kanyang mga ugat na ginagawa silang “magkapatid sa dugo”, isang sagrado at hindi pwedeng ipawalang-bisa na kasunduan. Nakumbinsi sila pa ni Magellan na maging Kristiyano.

Nagawa niya ito kay Raha Humabon ng Cebu at dahil sa Kristiyanismo, ginagalang ng mga bata ang mga matatanda. Ito ang humikayat sa konbersiyon dahil noong panahong iyon ay hindi iginagalang ng mga bata ang matatanda dahil wala na silang magagawang mabuti sa tribo. Ang mga kabataan ang nag-uutos sa mga matanda. Nagpakita ito ng isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.

Nagwagi si Magellan laban kay Humabon sa pamamagitan ng pagdadala ng bagong kultura na nagpapahalaga sa dignidad ng tao. Ngunit, napatay si Ferdinand Magellan ng pangkat ni Lapu-Lapu, na tumutol sa pamamahala ng Espanya. Hinamon ni Magellan si Lapu-Lapu sa isang labanan, upang ipakita kung paano lumaban ang mga Europeo.

Tatlong dahilan kung bakot natalo si Magellan kay Lapu-Lapu

  • Hindi siya nagpadala ng tauhan upang suriin ang lugar
  • Binalaan niya ang kalaban na aatake siya at;
  • Pumayag siyang mas maraming tribo ang lumaban sa kanyang mga tauhan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here