Felix Manalo

Si Felix Manalo o kilala rin bilang Ka Felix ay ang nagtatag ng Iglesia ni Cristo noong 1914. Siya ay tinawag na Huling Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw.

Isinilang si Felix Manalo noong ika-10 ng Mayo taong 1886 sa siyudad ng Taguig. Ang kaniyang mga magulang ay sina Mariano Ysagun at Bonifacia Manalo, na isang debotong Katoliko.

Nairehistro niya ang Iglesia ni Cristo sa pamahalaan ng Pilipinas noong ika-27 ng Hulyo taong 1914 bilang isang korporasyon kaalinsabay ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Punta Sta. Ana, Manila.

Basahin: Ilustrado

Sa kasalukuyan, ipinagpatuloy ng kaniyang apo ang binuo niyang samahan bilang Tagapahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo na si Eduardo V. Manalo.

Ang tunay niyang pangalan ay Felix Manalo Ysagun nang siya ay bininyagan bilang Katoliko. Ngunit upang magbigay-pugay sa pagkamatay ng kaniyang ina, minabuti niyang gamitin nalang ang apelyidong Manalo kaysa sa apelyido ng kaniyang ama.

Mabilis na lumago o lumawak ang mga aral ng Iglesia. Taong 1948, mayroon itong halos 60,000 miyembro na kalaunan ay naging 200,000 noong taong 1960.

Nagkaroon ito ng mga simbahan na hindi lamang sa Pilipinas matatagpuan kundi na rin sa 75 iba pang bansa sa buong mundo. Idineklara rin ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang ika-27 ng Hulyo bilang pag-alala sa kasaysayang itinatag ni Felix Manalo na “Araw ng Iglesia ni Cristo”.

Basahin din: Kilusang Propaganda
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...