Federico Aguilar Alcuaz

Si Federico Aguilar Alcuaz ay isang pintor, eskultor, at tanging Pilipinong artistang nagkamit ng maraming parangal sa internasyonal sa larangan ng pintura.

Isinilang siya noong ika-6 ng Hunyo taong 1932 sa Sta. Cruz, Maynila. Nakapag-aral siya sa larangan ng pagpipinta sa Unibersidad ng Pilipinas, School of Fine Arts noong 1950.

Isa si Federico Aguilar Alcuaz sa mga itinuturing na maestro ng abstraksiyon. Kung ang karamihan ng mga pintor sa kaniyang panahon ay naging alagad ng moderno at abstrasiyon dahil sa ito ang napapanahon, Si Alcuaz naman ay nagsimula at nagpakahusay muna sa klasikong estilo bago tuluyang naging bihasa at nakilala sa abstraksiyon.

Basahin: Arturo Luz

Si Federico Aguilar Alcuaz ang kauna-unahang Pilipinong nagwagi ng Prix Francisco Goya noong 1958. Nagtamo rin siya ng prestihiyosong Premio Moncada noong 1957 sa España, at marami pang iba

Ginamit niya ang apelyido ng kaniyang ina upang makilala siya sa iba pang Aguilar na kasama niya sa grupong La Puñalada at ito ay pangkaraniwang apelyido ng karamihan noon sa Barcelona.

Sa gulang na 24, initanghal si Federico Aguilar Alcuaz na pinakabatang nagkaroon ng eksibit sa prestihiyosong Sala Direccion General, Museum of Contemporary Art sa Madrid.

Tingnan din: Cesar Legaspi

Gayunpaman, pinarangalan din siya ng Diploma of Honor sa International Exhibition of Art Libre noong 1961 sa France, at Decoration of Arts, Letters and Awards naman na may ranggong Chevalier mula sa pamahalaang French noong 1964.

Bagaman mahabong panahon ang ginugol niya sa Europa, di niya nilimot na bumalik sa Pilipinas. Kaugnay nito ang pagkamit niya ng maraming karangalan tulad ng Republic Cultural Award noong 1965, at iginawad din sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal noong 2009.

Basahin din: Benedicto Cabrera
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...