Fe del Mundo

Si Fe del Mundo ay isa sa pinakamagagaling na manggagamot ng bata sa Pilipinas. Tinagurian din siyang Dakilang Lakambini ng Pedyatriyang Pilipino.

Ipinanganak siya noong ika-27 ng Nobyembre taong 1911 sa Maynila. Naging valedictorian siya ng Kolehiyo ng Medisina sa Unibersidad ng Pilipinas at nagpatuloy ng mataas na pag-aaral sa Estados Unidos dahil na rin sa tulong na ibinigay ni Pangulong Manuel L. Quezon.

Dahil sa kaniyang walang sawang pagsisikap upang makatulong sa mga mahihirap, naitatag sa Pilipinas ang iba’t-ibang institusyon at ospital na nangangalaga sa kalusugan ng mga batang Pilipino.

Basahin: Hospicio de San Jose

Malaki ang naging tulong ni Fe del Mundo sa mga tao, naging batayang panuntunan din ang kaniyang mga pag-aaral sa pagpapalaganap ng pagbabakuna sa mga sanggol upang maiwasan ang mga nakamamatay na sakit.

Sa kaniyang unang pananaliksik, nagkaroon ng sapat na kaalaman si Fe del Mundo sa mga sakin tulad ng polio-myelitis, rubella, rubeola, at varicella. Noong dekada ’50, wala pang mabisang lunas sa mga sakit na ito sa Pilipinas.

Gayunpaman, bukod sa pananaliksik, nangampanya rin siya upang paunlarin ang pagbibigay ng kalingang pangkalusugan sa mga komunidad.

Silipin din: San Juan de Dios Hospital

Pagkaraan ay inimbento ni del Mundo ang isang katutubong incubator na gawa sa kawayan. Malaki ang naging epekto at tulong nito sa pagligtas sa mga sanggol na isinilang na kulang sa buwan at mga batang may jaundice.

Upang matupad ang pangarap ni Fe del Mundo na magkaroon ng isang modernong ospital ang mga bata, ipinagbili niya ang kaniyang mga ari-arian at ipinatayo ang Children’s Medical Center—at ito ang naging kauna-unahang ospital ng mga bata sa Pilipinas.

Malaki ang naiambag ni del Mundo sa pangangasiwa sa kalusugan ng mga kabataan, kaya’t iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong 1980.

Basahin din: Teodoro Agoncillo
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...