F. Sionil Jose

Si Francisco Sionil Jose o mas kilala sa tawag na F Sionil Jose ay isang peryodista, manunulat ng nobela, maikling kwento, sanaysay, at marami pang iba.

Isinilang siya noong ika-3 ng Disyembre taong 1924 sa bayan ng Cabuwagan, Rosales, Pangasinan at siya ang panganay sa tatlong magkakapatid.

Nagsimulang magsulat si F Sionil Jose sa The Varsitarian—isang pahayagan ng mga estudyante sa Unibersidad ng Santo Tomas na pinagtapusan din niya ng Batsilyer sa Sining sa Literatura noong 1949.

Basahin: Noli Me Tangere

Taong 1948, naging katulong na patnugot si F Sionil Jose ng United States Information Agency ng Embahada ng Estados Unidos.

Pagkaraan ay naging editor din siya sa Manila Times Sunday Magazine, Manila Times Annual Progress, at Asia Magazine sa HongKong.

Kabilang siya sa mga pangunahing manunulat na Pilipinas sa wikang Ingles, may akda siya ng mga nobelang pinamagatan niyang Land of the Morning: The Rosales Saga, binubuong limang nobela na sumasaklaw sa may tatlong siglo ng kasaysyan ng Pilipinas mula sa kasagsagan ng kolonyalismo ng mga Español noong dekada 1880 hanggang dekada 1970—sa unang mga taon ng diktadurang Marcos.

Noong 1958, itinatag ni F Sionil Jose ang chapter sa Pilipinas ng PEN—isang internasyonal na organisasyon ng mga manunulat, at naging matagal na pambansang kalihim siya nito.

Kabilang din sa mga fellowship na nakamit ni Jose ay mula sa Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos—ang Smith-Mundt Leader Grant noong 1955, ginawaran din siya noong 1980 ng Gawad Ramon Magsaysay para sa peryodismo, literatura, at malikhaing komunikasyon. Gayunpaman, iginawad din sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 2001.

Basahin din: El Filibusterismo
Pambansang Sagisag ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...