Eugene Torre

Si Eugene Torre ay kinilala bilang unang Chess Grandmaster sa Asya. Itinuturing siya bilang pinakamahusay na manlalaro sa larangan ng chess sa Pilipinas.

Ipinanganak siya noong ika-4 ng Nobyembre taong 1951 sa Lungsod ng Iloilo. Sa murang edad pa laman ay hinasa na siya ng kaniyang ama sa paglalaro ng ahedres o chess sa Ingles.

Labing-pitong taon pa lamang si Eugene Torre nang mapabilang siya sa isang Olympics noong 1970 sa Siegen, Germany bilang manlalarong katuwang ni Renato Naranja—ikalawang Philippine International Master.

Basahin: Arnis

Makaraan ang dalawang taon, si Eugene Torre na ang humawak ng unang puwesto sa Skopje Olympiad, at napanatili niya ito sa loob ng dalawang taon pa hanggang sa Majorca, Spain.

Noong 1972, naging bahagi ng kasaysayan ng larong chess sa Pilipinas ang pagkapanalo niya kay Anatoly Karpov—ang kinikilalang pandaigdigang kampeon sa chess noon.

Gayunpaman, napanalunan niya ang medalyang pilak sa World Chess Olympiad na ginanap sa Nice, France noong 1972. Naabot din ni Eugene Torre ang pinakamataas na puntos ng ELO na umabot sa 2520 puntos. Pumasok din siya sa Candidates Matches para sa World Championship noong 1984.

Silipin din: Epiko

Sa loob ng halos apat na dekada ng paglalaro ng chess, naitalang umabot sa 85 na panalo, 104 tabla, at 34 na talo ang kasaysayan ng kaniyang paglalaro.

Sa ilang panahon ng kaniyang karera bilang manlalaro ng chess, 19 na sunod-sunod na Chess Olympiads ang sinalihan niya na nilampasan ang dating rekord na 18 na tangan ni Heikki Westerinen.

Noong 2006, sumali si Torre sa 2nd San Marino International Chess Open. Sa torneong ito natamo niyá ang ikapitong puwesto na pinakamataas na puwestong nakamit ng isang Pilipino sa puntos na 2612 na may katumbas ring 1,000 euro.

Basahin din: Sipa
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...