Espasol

Isa sa pinaka dabest na pasalubong ay ang Espasol na galing laguna, ito ay malambot na kakanin na binudburan ng gatas sabay binalot sa papel, at dahil dyan napakasarap nito at napakamura.

Pero pano nga ba magluto ng Espasol na kagaya ng mga nabibili natin sa mga nagtitinda ng pasalubong.

BASAHIN : Suman | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Ang kilala nating sikat na pasalubong na Espasol ay isang uri ng hugis tubo na malambot at manamis namis na kakanin. Ito ay nabudburan ng gatas na nakabalot sa papel at sikat na sikat ito sa Laguna, ngunit alam nyo ba na gawa ito mula sa galapong at gata ng buko.

Maihahalintulad natin ang Espasol sa isa pang kilalang minatamis na kakanin na Baybaye.

BASAHIN : Pitsi Pitsi | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Espasol

31⁄2 Tasa ng tustadong giniling na Malagkit na bigas ( Magtira para pangbudbud )
2Tasa ng Gata ng Niyog
2Tasa ng Asukal
1⁄4 Kutsarita ng Asin
1Kutsarita ng Vanilla Extract
1Tasa ng kinayod na Niyog
1Lemon ( Kudkurin )

BASAHIN : Puto Bumbong | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Espasol

Una : Ilagay sa kawali ang gata ng niyog at pakuluin, at ihalo ang asukal at haluin sa loob ng 10 minuto.

Pangalawa : Idagdag ang binusang kinudkod na niyog at lutuin sa loob ng 5 minuto, ihalo ang vanilla essence at binusang rice flour and lutuin sa loob ng 40 minuto hanggang isang oras. Haluin ng haluin hanggang sa kumunat.

Pangatlo : Hanguin at palamigin sa lalagyan. tapos ay Budburan ng binusang sweet rice flour ang paghuhulmahan, maaring gumamit ng tray na malinis o dahon ng saging o kaya malinis na papel.

PangApat : Hiwain sa sukat na gusto mo at pagulungin sa binudbod na sweet rice flour hanggang sa maging hugis parihabang-bilog. Tapos pwede na ihain.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...