Epiko

Ang Epiko ay isang uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t-ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao.

Sa tradisyunal na kahulang ng epiko, ito ay isang uri ng tula o panulaan na kilala rin bilang panulaang epiko.

Bagaman sa makabagong katawagan, kadalasang napapalawig ito sa ibang anyo ng sining tulad ng teatrong epiko, mga pelikula, musika, nobela, palabas sa telebisyon at kahit sa mga larong bidyo, kung saan may mga tema ang kuwento ng kadakilaan ng kabayanihasn, tulad sa panulaang epiko.

Ang pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga Diyos o Diyosa.

Ito ay hango sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko.

Katangian

Ang ilan sa mga katangian nito ay ang mga sumusunod:

  • Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao
  • Mga inuulit na salita o parirala
  • Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
  • Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang-araw-araw na buhay at kalikasan
  • Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kaniyang mga pakikipagsagupaan sa mga mahihiwagang nilalang

Halimbawa

Luzon

Visayas

  • Hinilawod
  • Humadapnon
  • Labaw Donggon
  • Maragtas

Mindanao

  • Bantugan
  • Darangan
  • Indarapatra at Sulayman
  • Agyu
  • Bidasari
  • Olaging
  • Sandayo
  • Tudbulul
  • Tuwaang
  • Ulahingan
  • Ulod

Basahin din: Panitikan ng Pilipinas
Ang Maikling Kwento

ADVERTISEMENT
loading...