El Nido

Ang El Nido ay isang protektadong lugar na matatagpuan sa dulong hilaga ng Palawan. Ito ay binubuo ng 45 na mga pulo na may iba’t-ibang hitsura at porma.

Noong panahon ng mga Español, ang El Nido ay parte ng Probinsiya ng Castilla kung saan ang kabisera nito ay ang munisipyo ng Taytay. Ngunit ito ay ihiniwalay sa munisipyo ng Taytay noong 1916 at naging isang malayang bayan.

Ang ekosistema nito ay pinangangalagaan ang mga talampas na higit 230 milyong taong gulang na at 888 uri ng mga isda, 447 uri ng korales, 114 uri ng ibon, limang uri ng pagong, at 2,645 ektarya ng bakawan.

Sinasabing Talindak ang unang tinawag sa lugar ng El Nido, na tumutukoy sa komunidad ng mga Tagbanwa sa kasalukuyang Sityo Langeb-Langeban ng Barangay Aberawan.

Basahin: Boracay

Noong ika-17 ng Hunyo taong 1954, sa bisa ng Batas Republika 1140, ang bayan ay pinangalanang El Nido dahil ito ay ang tawag sa mga pugad ng ibong matatagpuan sa matatandang talampas. Ito ay hango sa salitang Español na ang kahulugan ay “Ang Pugad”.

Nagsimulang maging pangunahing atraksyon sa mga turista ang lugar na ito dahil sa kagandahan nitong taglay at maaliwalas na kapaligiran.

Hindi maikakaila na dito isinapelikula ang Amazing Race noong 2004 att ang Survivor noong 2007.

Basahin din: Mga Anyong Tubig
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...