Edith Tiempo

Si Edith Tiempo ay isang Pilipinong makata, mangangatha, kritiko, at guro ng panitikan sa wikang Ingles. Kinilala rin siya sa larangan ng tula o panulaan.

Ipinanganak siya noong ika-22 ng Abril taong 1919 sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya. Nakapag-aral siya at nagtapos ng high school sa Bayombong at kumuha ng kursong prelaw sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ipinagpatuloy ni Edith Tiempo ang kaniyang pag-aaral sa Silliman University at nakamit ang kaniyang digring BS Education, major in English at naging magna cum laude nito noong 1947.

Basahin: Jovita Fuentes

Kaugnay nito ang pagkuha niya ng kaniyang master sa State University of Lowa noong 1949, at doktorado sa University of Denver sa Colorado, USA noong 1958.

Noong 1962, itinatag niya ang Silliman Writers Workshop ng Unibersidad ng Silliman sa Lungsod ng Dumaguete. Ang palihang Silliman para sa mga manunulat ay ang kauna-unahang paling naitatag sa Pilipinas at sa buong Asya.

Ang kaniyang mga nobela ay pinamagatang A Blade of Fern na isinulat niya noong 1978, His Native Coast noong 1979, The Alien Corn noong 1992, at marami pang iba.

Silipin din: Julian Felipe

Nakamit ni Edith Tiempo ang Gantimpalang Carlos Palanca para sa kaniyang tula at maikling kwento sa Ingles, at tinanggap rin niya ang Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas noong 1998.

Dahil sa pagsisikap ni Edith Tiempo na mapalawig at mapaunlad ang panitikang Pilipino, iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 1999.

Basahin din: Balarila
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...