Duwende

Duwende | Mitolohiyang Pilipino

Ang Duwende ay maliit na nilalang na hindi nakikita ng mga karaniwang tao. Naninirahan sila sa mga gubat, puno, punso, o sa mga lumang tirahan sa probinsya.

Ayon sa mga nakakakita sa mga ito, ang mga duwende ay nagpapakita lamang sa kanilang mga natitipuhang tao. Sila ay nakikipaglaro at dinadala nila ang mga taong kanilang kinaibigan sa lugar nila.

Sa mga karaniwang kwento na nagpasalin-salin sa bawat henerasyon, ang lugar na kanilang tinitirhan ay animo’y isang paraiso na ‘di inaakala ng mga tao na mayroong ganito.

Puno ng ginto ang kanilang kaharian, sila rin ay mahilig mangolekta ng mga iba’t ibang uri ng bagay.

Mga Duwendeng Naninirahan sa Punso

Sa gubat, kung ikaw man ay makakita ng punso, ayon sa kasabihan ng matatanda ay kailangang mag paalam kung ikaw ay dadaan o magpasintabi gaya ng “tabi-tabi po’, para hindi sila maistorbo at magalit. Kapag sila ay nasaktan, ito din ang kanyang ipaparamdam sa taong nanakit sa kanya.

Iba’t Ibang Uri ng Duwende

Duwendeng Itim – May mga iilan na nagsasabi na ang karamihan sa mga duwendeng itim ay ang pinakamasama sa lahat. Ang hitsura nito ay madungis, masama ang ugali at madalas pinag-lalaruan ang mga taong kanyang matipuhan. May iilan ding nagsasabi na ang itim na duwende ay mapaglaro at swerte, kapag daw ikaw ay nakakita ng itim na duwende, ito ay nakapagbibigay ng swerte sa iyong buhay. Ngunit huwag lamang silang gagambalain.

Duwendeng Puti – Ang puting duende ay tahimik lamang at kapag siya ay nagpakita ay huwag na huwag itong kakausapin dahil kapag nakuha niya ang iyong atensyon, ikaw ay paglalaruan nito. Kadalasan ang mga bata ang kanilang pinaglalarauan, kinakailangang maging mahinahon sa pakikipag-usap sa kanila. Ito rin daw ang may kaalaman sa pang-gagamot sa mga nabarang.

Duwendeng Pula – Ang pulang duende naman ay ang pinakamatapang, nakakatakot, at kapag nagpakita sayo ay maaaring may mangyaring masama sa iyo o ibang miyembro ng pamilya. Huwag na huwag makikipagkasundo sa mga ito sapagkat ito daw ay tuso.

Duwendeng Berde – Mapaglaro rin ang mga ito sa mga bata, sinasabing ito ay swerte sa sugal. Ngunit huwag magtitiwala sapagkat kung minsan ito ay pihikan. Ito ay mailap kapag ito’y iyong tinawag para kausapin kaya kailangan pa itong suyuin. Isa sa dahilan para makuha ang atensyon nito ay ang mga bata para ito ay iyong makausap.

Madami ang uri ng mga duende base sa kanilang kulay at ugali. Ayon sa mga sabi-sabi ng matatanda at naniniwala sa kanila, mahalaga ang pagbibigay ng respeto sa kanila upang hindi maparusahan o paglaruan.

Basahin din: Ang Maikling Kwento
Panitikan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...