Diwata

Diwata | Mitolohiyang Pilipino

Ayon sa mitolohiya ng Pilipinas, ang diwata ay isang katauhan na katulad ng mga engkanto o nimpa at nag-aanyo rin itong tao na may magandang mukha.

Mula naman sa mga sabi-sabi, naninirahan umano sila sa mga puno tulad ng akasiya at balete at tagapagbantay ng ispiritu ng kalikasan.

Ito ang baybay Filipino ng Sanskrit na salitang “devadha”, ngunit hinango sa kahuli-hulihan sa salitang Sanskrit na “dev” na nangangahulugang diyos.

Noong unang panahon ang mga Pilipino ay mataas ang pag pagpahalaga at respeto sa kalikasan sapagkat dito nila kinukuha ang kanilang ikinabubuhay.

Sila ay naniniwala na ang mga bagay na konektado sa kalikasan ay may buhay o may gumagabay na isang diwata.

Sila ay maaaring makapagbigay ng pabuya at kalugdan sa isang tao o bayan. Ngunit maari din silang mag bigay ng sakuna o sakit sa isang taong abusado o walang respeto.

Ang dahilan ng pag kalat ng salitang diwata sa parte ng Kabisayaan at Mindanao ay ang mayamang kalakalan ng mga lumad nuon sa mga karatig bansa.

Nang sakupin tayo ng mga Kastila unti-unti nilang binubura sa mga lumad ang paniniwala sa mga diwata.

Ganoon nga ang nagyari at tuluyan ng nabasura sa ating mga Pilipino, di lamang ang mga tunay na kahalagahan ng mga Diwata maging ang kahalagahan ng ating sariling kultura.

ADVERTISEMENT
loading...