Dinuguan

Ang Dinuguan ay isang lutong ulam sa pilipinas na ginagamitan ng Dugo, at kadalasang inihahain tuwing linggo sapagkat di lang ito masarap ulamin kundi masarap din gawing pulutan. At alam naman nating lahat ng ang araw ng linggo ay araw ng mga manginginom, pero teka nga lang ano nga ba ang Dinuguan at pano ito lutuin?

BASAHIN : Lumpiang Shanghai | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Noon pa man ay isa na sa paborito ng mga pilipino ang Dinuguan, at alam nyo ba na maraming tawag dito o bersyon sa lutong ulam nito. Kilala ang dinuguan bilang Dinardaraan sa mga ilocano, Dinuguan sa Batwan naman ang tawag dito sa Aklan, Serkele naman sa Bulacan at Tinutungang Dinuguan naman sa bicol at marami pang iba.

Minsan na din itong tinawag na Chocolate meat dahil nga sa kanyang taglay na kulay, ang ulam na ito ay ginagamitan ng laman ng baboy at pwede ding baga, bato o kaya puso na pinapakuluan muna bago lutuin at pagkatapos ay titimplahan ng mga pangpalasa kasabay ng dugo ng baboy.

BASAHIN : Sinampalokang Manok | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Dinuguan

1Kilo ng Laman ng Baboy
12 Kilo ng Lamang Loob ( Bituka, Baga o kaya Puso ng Baboy )
1Buong Bawang na binalatan at pinitpit
1Buong Sibuyas ( Hiniwa ng maliliit )
3Buong kamatis na ( Hiniwa ng maliliit )
1Tasa ng Dugo ng baboy
2Siling Berde
12Tasa ng Suka
12Kutsarita ng Asin
1Kutsarita ng Iodized
2Kutsarita ng Patis

BASAHIN : Kare-Kare | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Dinuguan

Una : Linisin mabuti ang laman ng baboy at iba pang lamang loob at pakuluan nang ilang sandali sa kaunting tubig. Hanguin at hiwa-hiwalayin nang may kaliitan, pagkatapos ay Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.

Pangalawa : Isunod ang hiniwang laman-loob at laman ng baboy at timplahan ng patis, Hayaang kumulo nang ilang sandali bago isama ang 2 tasa ng pinakuluang sabaw ng baboy at takpan at pakuluin maigi.

Pangatlo : Ihulog ang dugo at haluing dahan-dahan. Kung minsan maalat ang dugo kaya’t tikman kung ayos ang alat at dagdagan ng asin kung kinakailangan, haluhaluin habang hindi pa kumukulo upang hindi makurta o magbuo-buo ang dugo.

PangApat : Kapag maluwat nang kumukulo ang sabaw na may dugo ay saka timplahan ng suka, huwag naman haluin hanggang hindi kumukulo. Ibabaw ang mga sili at patayin ang apoy.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...