Ang Dinengdeng ay tinatawag ding ” Inabraw ” na putaheng puro gulay lang ang sangkap at halos lagi itong napagkakamalang Pinakbet. Meron ding iilan ilan na ginagamit ang Dinendeng pamares sa kanilang mga natirang piniritong ulam, sapagkat sa Dinengdeng pwede mo ihalo ang piniritong isda o kaya piniritong laman upang dagdag lasa rito.

BASAHIN : Chopsuey | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Ang Dinendeng ay isang ilocanong ulam sa pilipinas, kung saan kadalasan nilang ginagamitan ng prinitong isda, lalo na ng bangus, ang mga naisipan ito ng mga ilocano sapagkat sagana sila sa mga pananim na gulay sa kanilang mga bakuran.

Halos maraming nagsasabi na maihahalintulad mo and Dinengdeng sa Pinakbet ngunit di tulad ng pinakbet ang dinengdeng ay merong mas konting gulay, kumpara sa pinakbet mas marami itong kalabasa at bagoong.

Mga Sangkap ng Dinendeng

¼kiloliempo, hiniwang pakuwadrado
½tasamantika
3kutsarabagoong isda
1tasatubig
1pirasokatamtamang laki ng ampalaya, inapat na hiwa
5pirasotalong, inapat na hiwa
4pirasokamatis, hiniwa
1pirasomaliit na luya, hiniwa
1talibulaklak ng kalabasa
1taliokra
2pirasokamote
1talisigarilyas
½tasapatani

BASAHIN : Taho | Panlasang Pinoy

Paalala : Pwede ka din magdagdag ng iba pang gulay depende sainyo. pero mas mabuti kung madahon ito.

Proseso ng Pagluluto ng Dinengdeng

Una : Bago mag gayat ng mga gulay maghanda ng maliit na kardero or kaserola lagyan ng malinis na tubig pansabaw tapos  haluan ng mga sangkap na ginayat na kamatis , ginayat na sibuyas, at tsaka ilang kutsara ng bagoong isda.

Pangalawa : Isalang sa kalan at hayaan kumulo, habang ikaw naman ay nagggayat ng mga gulay na ilalagay mo dito.pagkatapos gayatin ang mga gulay hugasan at ilagay sa kumukulong sabaw. tapos hayaang kumulo at tingnan kung luto na ang mga gulay.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...