Dinagyang Festival

Ang Dinagyang Festival ay isang pistang panrelihiyon at kultural sa lungsod ng Iloilo sa Pilipinas na ginaganap tuwing ika-4 na linggo ng Enero.

Inihahambing ito sa pista ng Ati-Atihan ng Aklan at sa Sinulog ng Cebu. Isa ito sa higit na kilalang kapistahan sa buong bansa.

Kasaysayan

Nagsimula ang Dinagyang pagkatapos itong ipakilala ng unang Pilipinong Rektor ng Komunidad ng mga Augustino at pari sa parokya ng San Jose na si Ambrosio Galindez noong debosyon ng Santo Niño sa buwan ng Nobyembre taong 1967.

Nangyari ito matapos maobserbahan ang pista ng ati-atihan sa lalawigan ng Aklan. Taong 1968, isang replika ng orihinal na imahen ng Santo Niño de Cebu ang dinala sa llolo ni Padre Sulpicio Enderez ng Cebu bilang isang regalo sa Parokya ng San Jose.

Sa simula, ang pagdiriwang ng pista ay limitado lamang sa parokya. Ang mga katutubo ay sumasayaw sa daan habang nababalot ang katawan nila ng ulitg at abo halintulad sa pagdiriwang ng Ati-atihan.

Basahin: Panagbenga Festival

Ginagaya nila ang mga Ating sumasayaw para sa pagdiriwang ng pagbebenta sa Panay. Ang mga grupo ng tribung ito ang batayan ng kasalukuyang pista.

Noong 1977, inutusan ng gobyerno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang mga iba’t-ibang relihiyon sa Pilipinas na gumawa ng mga pista o pagdiriwang na makakapagpalakas ng turismo at pag-unlad ng bansa.

Handang-handa noon ang Lungsod ng Iloilo sa pagkilala ng Ati-atihan bilang proyekto nito. Samantala, hindi na mahawakan ng lokal na parokya ang dumadaming suliranin ng pista.

Silipin: Traslacion

Nakahati ang Dinagyang Festival sa tatlong pangunahing kaganapan sa bawat ika-4 na linggo ng Enero:

  1. Paligsahan ng Tribu ng Ati na ginaganap sa Linggo
  2. Paligsahang Kultural ng Kasadyahan na ginaganap sa Sabado bago ang pangunahing kaganapan sa susunod na araw.
  3. At ang Binibining Iloilo Dinagyang na ginaganap sa linggo ng mga pangunahing atraksyon ng Pistang Dinagyang.

Si Dagoy ang opisyal na mascot ng kapistahang Dinagyang, inilikha siya sa mga guhit ng Dinagyang noong 2002. Inilarawan siya bilang batang mandirigmang Aeta, at sumasagisag sa pagsasaya at pakikipagkaibigan sa mga Ilonggo at sa mga dumadalaw sa pagdiriwang.

Basahin din: Pahiyas Festival
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...